Ang mga imigranteng dumarating sa bansa, matapos ang mahabang paglalakbay, ay mas madaling tamaan ng sakit ng10 doble. Kadalasan ay naipagpapalit ito sa ibang karamdaman.
Rome, 11 Marso 2011 – Tuberculosis, nananatiling isang kinatatakutang sakit sa Italya. “Umabot nà sa 4,500 ang mga bagong kaso sa isang taon sa kasalukuyan, ngunit kung isasaalang-alang ang huling regularisasyon, inistima ang halos 7 hanggang 8000 libong kaso. Kalahati ng mga ito, sa kasamaang palad, ay mga imigrante.”
Isang survey ito para sa nalalapit na Marso 24 sa pagdiriwang ng World Tuberculosis Day, ni George Besozzi mula sa Milan, na namamahala sa isang Centre para sa Patuloy na Pagsasaliksik sa tuberculosis ‘Villa Marelli’ ng ‘Niguarda Hospital, at kabilang sa directive ng Stop TB.
Ang mga imigranteng lumisan mula sa sariling bansa kasabay ng hangarin ng bagong buhay at dumadaong sa mga baybayin ng Italya, ay ang mga madalas na tagapagdala ng Mycobacterium, dahil ang sakit na tuberculosis ay pangkaraniwan sa kanilang bansa. Kadalasan ay hindi sapat ang kalusugan upang labanan ang anumang uri ng karamdaman at maaaring tamaan ng TB 10 hanggang 11 doble kumpara sa mga italyano. Kadalasan sila rin ay mas tinatamaan ng isang uri ng TB na kayang talunin kahit anong uri ng gamot na naging sanhi ng pagkamatay ng 150,000 sa kabuuang 440,000 bilang ng mga may karamdaman.
Ang mga bagong carrier ng bacillus ay dumating mula sa North Africa at Silangang Europa, kung saan ang kanilang bilang ay nadoble sa loob ng 10 taon, at ang mga pasyente diumano sa Italya ay halos mga Romanian (11% kaso sa buong bansa) at Morocco (5%), na sinusundan ng mga imigrante mula sa Senegal, Perù at Pakistan. Ang emergency ay maaari pang lumubha sa pagdating ng mga refugee mula sa North African gawa ng kasalukuyang krisis.
Ang Italian Federation laban sa sakit sa baga at tuberculosis (Fimpst), Stop TB Italia Onlus at Lilly MDR-TB Onlus Partnerhip ay tumawag ng isang pagpupulong upang humanap ng mga kasagutan sa darating na Marso 23 sa Roma. “Gusto naming sama-samang maintindihan kung paano lalabanan ang TB, ngayon ay higit na kailangan ang suporta ng isang maayos na politika. ‘Walang mangyayari, kung wala ang suportang ito”, ang pangungusap ni Besozzi.
Kabilang sa iniulat ng mga espesyalista ay ang kakulangan ng tamang paraan upang harapin ang sakit ng mismong mga doktor, na karaniwang naipagpapalit sa ibang karamdaman, ngunit lalong higit, ang kakulangan sa organisasyon ng pagbabantay at pamamahala ng sakit, hanggang sa limitasyon para sa isang epektibong therapy.