in

Apat na milyon, pondo para sa italian language

Pondo para sa integrasyon. Dalawang buwan para i-sumite ang proyekto.

Apat na milyong euro upang ituro sa mga imigrante ang Italian language at ang civic education. Mahahalagang kaalaman, lalo na sa pagpapatupad ng ‘integration agreement’ (o accordo d’integrazione), isang batas para sa lahat ng mga bagong darating na dayuhan sa Italya.

Ang pondo ay magmumula sa “European Fund para sa Integrasyon ng mga mamamayan ng Third world countries, 2007-2013”, na pinamamahalaan ng Ministry of Interior, at ang pondo ay nakatalaga sa mga operasyon ng mga nagsasariling Rehiyon at Probinsya. Ang mga ito ay maaaring magsumite ng mga proyekto na maaaring pondohan mula ika- 30 ng Marso  hanggang alas 18:00 ng ika-3 May 2011.

Lahat ay gagawin on line sa website na ibinigay ng Ministry of Interior www.fondieuropeiimmigrazione.it. Napakahalaga na ang aplikante ay may certified electronic mail (PEC) at ang digital signature (o firma digitale).

“Ang mga panukala ng proyekto – ayon sa isang pahayag ng Ministry of Interior – ay naglalayong palalimin ang kaalaman, impormasyon at civic education ng lahat ng mga dayuhan. Ang mga ito ay magbibigay ng higit na importansya sa mga CTP Centri Territoriale Permanenti o School for adults”.

Narito ang announcement at ang sample ng mga aplikasyon na inihanda ng Ministry ng Interior.
http://www.stranieriinitalia.it/attualita-quattro_milioni_alle_regioni_per_i_corsi_di_italiano_12695.html

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PINOY nasa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa buong mundo.

PLEBISITO, INUMPISAHAN NG COMUNITA’ DI NAPOLI E CAMPANIA