Mula anim na libo hanggang labintatlong libo (13,000), ito ang tintayang halaga ng gastos ng mga magulang sa unang taon ng isang sanggol. Ayon ito sa association ng mga mamimili ‘Federconsumatori’. Sa shopping list ay matatagpuan ang diapers, andador, gatas, damit at iba pang mga gamit na kinakailangan, na kung saan naitala ang pagtaas ng limang porsiyento kumpara sa nakaraang taon. Ang Federconsumatori ay nananawagan upang ibalik ang tinatawag na ‘bonus bebè’ o bonus para sa mga sanggol, na nagkakahalaga ng isang libong euro mula sa pamahalaan, para sa bawat pamilyang madadagdagan ng isang sanggol. Ang maliit na tulong na ito ay tinanggal at pinalitan ng “Fund for New Born babies”, na nagpapahintulot sa mga bagong magulang upang makakuha ng loan hanggang 5,000 euros sa napakababang interes kumpara sa average rate. Malaki ang matitipid dahil ang pamahalaan ay posibleng bayaran hanggang kalahati ng anumang halaga. Sa ganitong paraan, ay nabawasan ang panganib ng mga bangko. Ang mga detalye ay ipinapaliwanag sa www.fondonuovinati.it, o maaari tumawag sa toll-free number 803164 na tutugon sa walong wika.