in

PABASA, tanda mo ba ito Pinoy?

Ang Kwaresma ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na puno ng kaugaliang Kristiyano at mga tradisyong minana pa natin sa ating mga ninunong Espanyol. Ang ilan sa mga ito ay kapansin pansin at nakakapukaw ng pagkamangha sa mga turista, isa na dito ang Pabasa.

altAng Pabasa ay ang pag-awit o pagbasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta, sinasamahan ng mga instrumento kung minsan upang mas masigla ang pagbabasa.

Kadalasan ang pabasa ay idinadaos sa kapilya ng barangay, maaari rin namang sa tahanan ito ng nag-papabasa.  Ang pagbasa ng pasyon ay sinisimulan sa Miyerkoles Santo at tinatapos sa Biyernes Santo. Ito sy isang deboto ng pamilya na ipinagpapatuloy ng mga anak sa mga sususnod na taon.

Halos lahat ng mga tao sa isang komunidad ay nakikisali sa gawaing ito, maliban lamang sa iba na may ibang pananamaplataya. May mga may-ari ng imahen na nagpapahiram ng kanilang poon, mayroon din naman na nagbibigay ng pera at pagkain bilang kontribusyon. Karaniwang salabat ang inihahaing inumin dito upang mapaganda at hindi mapaos ang boses ng kalahaok sa pagbsa ng pasyon.

Ang pasyonay isang anyo ng sining. Ang unang bersyong Tagalog ay ang ginawa ni GasparAquino de Belen, na may pamagat na Mahal na Pasion ni Jesu Christong Poon. Habang ang pinakatanyag ay ang Pasyong Genesis ni Mariano Pilapil (1814). Dahil sa gawa lamang ang mga ito ng mga ordinaryong tao ay tinuligsa ang mga ito ng mga prayleng Espanyol, sapagkat ang mga ito raw ay naglalaman ng mga pagsalungat sa itinuturo sa simbahan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

60th anniversary of diplomatic relations between the Philippines and the Holy See

Manny Pacquiao todo-training!