in

Remittance bumabà sa taong 2011

Leone Moressa Foundation: Pagbabà ng 5,4%. Lazio at Lombardy nangunguna sa listahan.

altAyon sa pinakahuling research ng Leone Moressa foundation sa taong 2010, sa unang unang pagkakataon, ay may pagbabà ng 5.4% ng remittances ng mga imigrante. Kung ikukumpara sa taong 2009, ay nakapag padala ang mga ito ng 6.7 billion euros, 0.4 billion ang  nawala.

 
Ang 6.3 billion euros na ipadala sa ibang bansa sa taong  ito ay katumbas ng 0.41% ng GDP, habang ang per capita ng mga dayuhan na ipinapadala sa kanilang bansa ay halos 1.508 € bawat taon.

Ang  mga ito ay kakaiba sa naging takbo ng mga nagdaang taon kung saan ang mga remittances ay lumago ng sampung beses (985.2%) sa pagitan ng 2000 at 2010. Ang halaga na inilabas ng bansa ay lumago nang husto hanggang 2004, ang remittance sa GDP ay nadagdagan mula sa 0.09% sa 0.19%, na umaabot sa 0.27% sa sumunod na taon, at umabot ng 0.41% sa 2010.

Higit sa ika-apat na bahagi ng perang  ipinadala sa labas ng bansa ay nagmula sa Lazio (28.7%), na sinusundan ng Lombardy (19.3%)  at Tuscany (8.8%) Sa Roma lamang ay umaabot ng higit sa ika-apat na bahagi ng buong remittances (27.5%), sinusundan ng Milan, isang distansya ng halos 15 porsyento (12.9%). Ito ay sinundan ng Naples (3.3%) at Florence (3.1%).
 
Halos kalahati ng lahat ng remittances (47.4%) na lumalabas ng bansa ay patungo sa Asya (na may higit sa 3 billion €), habang  ang 1 / 4 ay para sa European countries ( naitala ang higit sa 1.7 billion €). Sumunod ang halos  12.5% ​​sa Africa at halos 12% sa continente ng Amerika.

Ang bansang nakatanggap ng pinakamataas na halaga ng remittance sa taong 2011 ay ang Tsina na may kabuuang halagang € 1.7 billion. Ang ikalawa ay ang Romania sa 12.5% at pumapangatlo ang Pilipinas na may 11, 2% ng kabuuang remittances. Sumusunod na may mas mababang mga remittances ang Morocco, Senegal, Bangladesh at Peru.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bride Caregiver?

Good Friday in the Philippines