in

MARONI: Ihihinto ko sa pamamagitan ng panukalang batas ang pagiging malaya ng mga iligal na dayuhan

Ang Ministro ay naghayag ng isang panukalang-batas upang “itama” ang direktiba ng Europa

altRome – “Kung ang pamahalaan ay mananatili” ayon sa ministro na si Roberto Maroni sa mga pahayag sa isang panayam ng ‘Libero’ na maghaharap sa susunod na CDM ng isang panukalang batas upang iwasto diumano ang direktiba Europa na humahadlang sa sapilitang pagpapatalsik ng mga imigrante ilegal.

“Aming binaligtad ang prinsipyo:ang alituntunin ay ang sapilitang expulsions at ang mga exception nito at ang order of expulsion”, ayon sa Interior Ministry.” Bukod dito- idinagdag pa ng ministro – sinimulan na namin ang paggawa nito limang buwan na ang nakakalipas. Ang mga numero ay nagpapakita na hindi lamang namin iniwasan ang interpretasyon ng EU Directive noong Disyembre ngunit pinatindi pa ang pagpapatalsik.

Mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2011, ang mga imigrante na pinauwi sa kanilang bansa ay 9318, at halos doble noong 2010, dahil na rin sa kasunduan sa Tunisia. “Ayon kay Maroni ang Italya, hindi katulad ng Alemanya o France, ang pagpapatalsik ay nangangahulugan ng pagpapabalik sa sariling bayan ng mga iligal na migrante. “

Samakatwid ay “mas ‘kumplikado”, at may kaakibat na gastusin: “Sa taong 2011 ay inilalaan ang halagang 250 milyong euro. Kabilang dito ang sea rescue, first aid sa Lampedusa, catering, mga gawain ng komisyon para sa mga aplikasyon ng asylum.”Sa huling mga pagdaong sa Lampedusa, ayon kay Maroni, ”ang hangarin ay mabuti, habang sa Libya ay lumalalà at patuloy sa digmaan. Sa huling dalawang araw ay may dumating na isang libong katao at halos lahat ay mula sa Libya”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CHAPTER ONE BAND, SA FILIPINO YOUTH ROCK EXPO 2011

61 diplomats appointed