Ito ay isa sa mga commitments na hinihiling ni Bossi kay Berlusconi. Pagpapahinto sa mga pagdaong na ihahayag sa Pontida
Rome – Matapos ang pagkatalo sa nakaraang eleksyon, ang Lega Nord ay muling humihiling sa pamahalaan ng karagdagang kilos at paghihigpit laban sa iligal na imigrasyon.
Ang inabusong security ay isang priority para sa lider ng Lega Nord Umberto Bossi na kahapon ay inihayag sa isang pulong kasama si Silvio Berlusconi, gayun din ang reproma sa buwis at reporma sa institusyon. “Isang paraan – ayon kay Marco Cremonesi ng Corriere della Sera – ng pagbibigay ng isang bagong pananaw sa kanyang mga costituents.
Isang magandang pagkakataon sa paglulunsad ng mga hinaing ay ang rally ng Lega sa Pontida, na gaganapin sa Linggo, Hunyo 19. Dito ay ihahayag ni Bossi ang isang panawagan ng isang paghihigpit sa mga pagdaong at maaaring pagpapahinto sa mga hukbong-dagat. Ayon pa dito, hihilingn ang pagpapatupad ng mga prebensyon na ginawa tulad ng Spain at Greece ng gobyerno ng kaliwa.
“Kapag ang Lega Nord ay tumutukoy sa modelong Spain at Greece – ayon sa isang taga Cremona – ìisang bagay lamang ang ibig sabihin ng mga ito, ang barilin ang mga barko upang pabalikin ang mga ito sa knailang pinanggalingan”.