“Hindi mahalaga ang bansang sinilangan sa pagiging Italyano. Alamin ang wika, ang kasaysayan, at ang Saligang Batas”
Rome – “Upang maging mamamayang Italyano, hindi sapat ang kusang pagsunod sa mga patakaran ng bansa, ngunit kinakailangan din ang malilim na pakikilahok sa mahahalagang values ng komunidad”, mga pangungusap ni Gianfranco Fini sa paglalahad ng kanyang pinakahuling nilathalang libro, ang Noto.
Ayon kay Fini, “Ang bansa ay isang plebisito na nababago sa bawat araw at bawat araw ay nararapat maramdaman ang pagiging Italyano. Sa ganitong pananaw, hindi mahalaga ang bansang sinilangan, walang anumang halaga ang ‘jus soli’ kung ipinanganak sa Italya. Bilang isang Italyano, kailangang kilalanin ang halaga ng lipunan at sumunod ng higit sa alinsunod ng mga patakaran. “
“Citizenship – pagtatapos pa nito- ay ang kaganapan ng pagiging kasapi nito at nangangailangan ng kaalaman ng wika, ng kasaysayan at ng Saligang Batas ng bansa. Kaya kaya’t kailangang ituro ang kahulugan ng tunay at tumpak na halaga at mga simbolo ng pagiging Italyano..”