Rome – Ang mga imigrante ay lubhang kapaki-pakinabang sa ating bansa, ngunit madalas ‘tayo’ ay nagiging bahagi at hindi gumagalang sa kanilang inaasahan.
Ito ang naging opinyon ni Franco Pittau, coordinator ng Statistical Dossier on Immigration ng Caritas/Migrntes, sa resulta ng ‘Ikaapat na Ulat ukol sa mga manggagawang migrante sa mga archives ng INPS – ang regular na trabaho bilang isang aspeto ng integrasyon’, na isinakatuparan ng Inps sa pakikipagtulungan ng mga mananaliksik ng Idos – Statistical Dossier on Immigration ng Caritas/Migrantes na inilabas sa Roma.
“Lumabas ang isang larawan ng migranteng manggagawang karaniwang mataas ang pinag-aralan- pagpapaliwanag ni Pittau – na hindi makakuha ng angkop na propesyon sa kabila ng pagsusumikap na makakuha ng puwang sa merkado, at may pag-asang maprotektahan man lamang ng mga nilalaman ng kontrata ng natagpuang trabaho”.
Sa kasamaang palad, ilang bahagi ng mga inaasahan ng mga migrante ay hindi nila makamit dahil sa krisis na nagdulot din ng negatibo resulta sa kanila at dahil na rin mayroong mga Italians na hindi lubusang ipinagkakaloob ang pagiging regular ng mga ito bilang trabahador. Isang dahilan kung bakit inihayag ng Inps na ang pagre-regular ay isang mahalagang aspeto ng integrasyon.
Samakatwid, ayon kay Pittau, ang Report ay nagpapahiwatig na “ang isang imigrante ay lubhang kapaki-pakinabang sa Italya, ngunit bigo sa mga inaasahan: mahusay na nagtatrabaho at nagnanais na kilalanin at tratuhin bilang isang tao.”
Ayon kay Franceso Marsico, Vice Director ng Caritas Italy , “ang positibong datos mula sa ulat na ito ay ang isang regular at mahalagang presensiya ng mga ito sa merkado ng trabaho bilang mga manggagawa,’ dahil tulad ng matagal na naming pinaniniwalaan ang imigrasyon ay isang mahalagang kaganapan na nagsisimulang maging ‘normal’ sa ating bansa, at ang presensya ng mga migrante sa archive ng INPS ay isang aspetong positibo”. Para kay Marsico, “ang mga manggagawa ay matatagpuan sa panig ng mahihina kung kontribusyon ang pag-uusapan: ngunit mayroong mahusay na hangarin at pagsusumikap na tanggapin ang solusyong ipinagkakaloob ng merkado.