in

PID, ginanap sa Piazza Ankara!!

altRoma – Ginanap ang pinakamalaking pagdiriwang ng taon, ang Philippine Independence Day sa Roma noong nakaraang Linggo, ika-12 ng Hunyo sa Piazza Ankara. Tulad ng inaasahan, halos apat na libong mga Pilipino na nagmula pa mula sa iba’t ibang parte ng Italya ang naki-fiesta, naki-parada at nakipag-saya ng may iisang diwa “Ang ipagmalaki sa buong mundo Ako ay Pilipino!”.

Ang mga kaganapang hinarap ng komunidad ilang buwan na ang nakalipas ay hindi naging hadlang sa isang tunay na hangarin ng Araw ng Kalayaan, ang gunitain ang pagiging ganap na Pilipino, 113 taon na ang nakalipas. Minsan pa ay pinakitang muli ng mga Pilipino sa Roma ang pagiging isa sa magandang hangaring ipakilala ang tradisyon at kulturang nakatatak sa bawat Pilipino saang parte man ng mundo.alt

Kaakit-akit ang makukulay na costume parade na ginanap sa unang bahagi ng programa. Tinampok ang Muslim Singkil, ang Fiesta sa Nayon, ang Aswang Festival, ang Bicol- Pantomina at ang Igorot-Bangga. Nakapukaw ng atensyon sa mga Italyanong dumalo sa pagtitipon ang aktibong pakikiisa ng mga kabataang Pinoy suot-suot ang ating katutubong damit, mga ipinanganak sa Italya ngunit ipinagdiwang ang araw ng pagiging Pinoy sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa.

Naging isang magandang pagkakaton ang pagdiriwang upang pagsama-samahin sa iisang okasyon ang mga komunidad, asosasyon, grupo sa business sector ng komunidad. Kung kaya’t mula sa pagbili ng isang typical mango at halu-halo hanggang sa luxury condominium ay natagpuan sa pagdiriwang. Masaganang hapag naman ang pinagsalualthan ng lahat sa bawat booth. Hindi pinalampas ang pagkakataon sa isang malutong na letson na kasama rin sa parada!

Ang Cultural program ay naging napakayaman sa Pinoy Heritage, mula sa sayawan hanggang kantahan at ang hindi mawawala, ang Pinoy bands! Lalong painainit ng mga artista mula sa Pilipinas na sina Aubrey Miles, Troy Montero at Noel Gascon ang okasyon. Ngunit doble doble ang katuwaang dala ng mga nanalo sa raffle ng Rome-Manila-Rome ticket mula sa mga sponsors.

Isang thumbs up para sa mga organizer ng okasyon, hanggang sa susunod na taon …. ang lalong pinagandang pagdiriwang ng Pistang Pinoy! Mabuhay!!!

(photos by: Dennis Bacarisas, Tonet Loyola)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sestito (Bankitalia) – Mas mababang loan ngunit mas mataas na interes sa mga migrante

Media, pinagbawalang pumasok sa deportation center