in

Angelina Jolie, nag-iwan ng fingerprints sa pagbisita sa Lampedusa tulad ng mga refugees

Bumisita ang kilalang artista sa isla bilang UN ambasador: “Masakit isipin na maraming tao ang manganib at nagbuwis ng buhay sa magandang karagatang ito”

altLampedusa, – Isang malaking sorpresa ang pagbisita ni Angelina Jolie sa Lampedusa sa araw ng International day for refugees. “Naiisip ko habang nakaharap ngayon sa mga pamilya kasama ang kanilang mga anak na pagkatapos na nakipagsapalaran ng mahabang paglalakbay para sa pag-asang  makasakay sa bangka at manganib ang mga buhay,” sabi ng Hollywood star at UN ambasador, sa kanyang pagsasalita sa Porta d’Europa sa Lampedusa. Pagkatapos ay humarap sa mga taga-Lampedusa at sinabing:. “Isipin natin kung ano ang ibig sabihin para sa kanila ang tumakas mula sa sariling bansa at makahantong sa isang lugar kung saan tatanggapin sila hindi lamang ng mga pulis kundi ng tunay na mga mamamayan, at kayo po ang mga ito. Ako ay tumatanaw ng utang na loob, sa inyo, sa Italya sa pagbibigay ng malaking pagkakaiba at pagkakataong ito”.

Ayon sa artista: “Kailangan ng higit na charity upang matugunan ang hinaharap na suliranin sa imigrasyon. Sa katanungang kung ang Europa ay dapat bang baguhin ang saloobin para sa mga imigrante, ang bituin ay sumagot: “Ako ay isang Amerikano at walang maaaring magsalita sa Europa, ako ay nagmula sa isang bansa na maraming nakamit na benepisyo mula sa imigrasyon.”
“Ang Lampedusa ay isang magandang isla, ito ang aking unang pagkakataong makarating dito ngunit sa tingin ko ay muli akong babalik”, pagpapatuloy ng artista habang ang mga panauhin ay nakikinig sa kanyang pananalita. “Napakalaki ng inyong ginawa para sa mga migrante – dagdag pa nito – Nakatingn ako sa napaka gandang dagat na ito at  napakasakit malaman kung gaano karaming mga tao ang nanganib dito gayun din ang nagbuwis ng kanilang buhay”.

Kasama ang Alto Commissario ng ONU para sa mga refugee na si Antonio Guterres, si Jolie ay naging saksi sa pag-aalay ng isang korona sa dagat, alay sa lahat ng mga migrante na pumanaw sa kanilang pagtawid sa baybayin ng Sicily. Ang korona ay ihinagis sa dagat at inilagay ng Coast Guard sa labi ng bangkang sumadsad noong nakaraang Mayo 7.

Si Jolie ay dumating sa isla ng bandang tanghali. Marami ang umusyoso, mga turista at mga taga-Lampedusa ang sumalubong ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakakita dito bilang isang sikat na artista. Bumaba sa kanyang pribadong eroplano kasama ang staff , tinanggap sa isang tabi at mula doon ay inihatid sa Air force base kung saan nakatagpo si Antonio Guterres. Kabilang sa mga panauhin si, Claudio Baglioni.

Si Jolie kasama ang Alto Commissario ng ONU para sa mga refugee ay nagtungo sa Centro d’accoglienza di contrada Imbriacola kung saan nakasama ang 130 refugees, pagkatapos ay nagtungo sa dating base militar Loran kung saan may 265 mga menor de edad. At dumaan din sa Porta d’Europa, isang  monumentong inialay sa mga migrante. Isang kaganapang wala sa kanyang programa ang pagiiwan ng kanyang fingerprints tulad ng sapilitang ginagawa sa mga refugees na dumarating sa Lampedusa. Kinuha ang kanyang fingerprints ng namamanghang awtoridad na nangangalaga sa pagkuha ng fingerprints ng mga imigrante.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

D’ALEMA: “Hindi maituturing na isang modernong demokrasya kung walang karapatan sa pagboto ang mga imigrante”

Canto del Viajero by Jose Rizal