Rome – Umamin ang limang kabataang Pilipinong kay pm Eugenio Albamonte. Natatandaang inaresto ang mga ito sa panggagahasa noong nakaraang April 30 sa Pineta Sacchetti ng isang dalagitang Italyano. Ngunit ang ika-anim na kabataan, 17 taong gulang, ang kasalukuyang hinahanap at ayon sa mga report ay pusibleng lumabas na ng Italya ang binatilyo.
Ang mga kabataan ay kilala sa lugar, mga ipinanganak sa Italya at karaniwang natatagpuang naka-tambay sa ‘La Cupola’, isang lugar sa Via Albergotti, tagpuan ng karamihan ng mga kabataan.
Ang mga ito ay kilala sa pangalang Roger, Ranger, Brian, Patrick at Christian. Mga kabataang walang naging anumang kaso o nilabag na batas sa nakaraan.
Isa sa lima ang hiniling ang pakikipag kaibigan sa face book ni ‘Federica’, ang biktima, bago naganap ang krimen. Naganap nga ang kanilang appointment ng araw ng April 30.
“Kami ay nakainom at nakagamit ng drugs”, ayon sa limang binatilyo. “Pagkatapos ay natagpuan namin ang isang grupo na nagku-kwentuhan. Aming napag kasunduan na saktan ang mga ito. Binogbog namin, pinagnakawan at kinuha ang mga cell phones. Pagkatapos ay aming kinuha sa grupo si Federica at aming pinag samantalahan”.
Ang krimen ay tumagal hanggang madaling araw. Ang isa sa mga rapists sa isang punto, au umuwi ng bahay ngunit matapos ang dalawang oras at tinawagan ang mga kasamahan upang malaman ang kanilang ginagawa.”Hindi pa kami tapos” ang naging sagot ng mga ito. Ang batang lalaki, ay bumalik sa Pineta Sacchetti at muli ay pinagsamantalahan si Federica. Nang sumunod na umaga, batang babae ay habang nasa tahanan ay nakatanggap ng mga panaankot: “Alam namin kung nasaan ka, babalikan ka namin kung magsusumbong ka”. Unang nadakip ng mga pulis ang 21 anyos na binata at kaagad namang umamin ito. Malaki ang naitulong nito upang makilala at mahuli ang iba pang apat. Ang dalaga ay namumukhaan ang mga Pilipino ngunit hindi ito kilala sa pangalan. Ngunit walang dudang kinumpirma ng dalaga na ang mga binatilyo ang gumasaha sa kanya.
” Ang limang binata ay karaniwang natatagpuan sa Piazza dei Giureconsulti kung saan, madalas ding magkita kita ang mga kaibigan ng biktima.
Pagkatapos na maaresto ay ikinulong sa Regina Coeli ang mga binatilyo. Nakahiwalay ang mga ito upang maiwasan ang paghihiganti ng ilang bilanggo. Ang kaso, para sa lahat (kabilang ang hinahanap) ay ang panggagahasa at pagkidnap.