Isang sikat at award-winning Pinoy journalist ang umaming isa siyang TNT o “tago ng tago” sa Amerika. Ayon kay Jose Antonio Vargas, lumantad siya para matulungan ang mga kapwa niyang TNT doon.
Sa isinulat ni Vargas sa New York Times Magazine on line na pinamagatang ‘My life as an Undocumented Immigrant” ay ikinuwento nito ang kanyang naging buhay sa California bilang isang TNT.
Taong 12 anyos nang si Vargas ay pinetisyon ng kanyang lolo at lola sa California gamit ang fake na pangalan at fake na passport. Dahil dito, nabigyan rin sya ng fake na green card na kanya namang ginamit upang magkaroon ng fake na driver’s license at upang makapag trabaho.
Lumantad diumano si Vargas upang matulungan at mabigyan ng lakas ng loob ang maraming tulad nya sa California na namumuhay bilang mga TNT. Umaasa ito na madadagdagan ang mga magsusulong ng Immigration Reform sa Amerika dahil sa kanyang naging maliit na kontribusyon ng pagsisiwalat sa kwento ng kanyang buhay.
Bukod dito naging kilalang writer si Vargas sa mga publications tulad ng San Francisco Chronicle, Huffington Post at Washington Post kung saan nanalo ng prestihiyosong Pulitzer Prize sa Virginia Tech Massacre Coverage.
My Life as an Undocumented Immigrant (New York Times Magazine on line)