in

Bagong batas sa deportasyon

Sa isang decree (decreto legge) ay inumpisahang  iangkop ng Italya ang batas ng Europa sa deportasyon. Narito ang mga pangunahing pagbabago.

altRoma – Ang kusang-loob o paghahatid sa border? Uumpisahan ang dalawang paraan ng pagpapatalsik para sa mga dayuhang nahuli ng mga pulis habang dinagdagan naman hanggang labinwalanog buwan ang pananatili sa mga CEI (Idenfification and Expulsion center).

Ang mga ito ay ilan sa mga bagong patakaran, ayon sa decreto legge na ibinigay ng pamahalaan noong June 24. Ito ay ipinalabas noong nakaraang linggo ng Consiglio dei Ministri upang iangkop ang batas ng Italya sa batas ng Europa. Suriin natin ang mga pangunahing  nilalaman.

(Decreto legge= decree passed by the Italian Government as an urgent measure, which has to be approved by the Parliament within 60 days in order to become law.)

Ang madaliang paghahatid sa border mula sa ngayon ay paiiralin lamang kapag ang ‘iligal na dayuhan ay isang panganib sa public order (kapayapaan ng publiko o kaayusan ng bansa, kapag nag-sumite ng aplikasyon para sa paninirahan (domanda di soggiorno) at naghayag ng walang batayan o panlinlang, kapag ang pagpapatalsik ay isang alternatibo sa pagpapakulong.Panghuli, at marahil ay kadalasang gagamitin, kapag biglang nawawala imbes na ang bumalik sa sariling bansa o ang pagtatago o ang pagtakas.

Ngunit kailan masasabing panganib ng pagtakas? Sa isang bahagyang interpretasyon, ang batas ay tumukoy sa iba’t-ibang mga sitwasyon na pwersahang magpapabalik sa sariling bayan sa mga iligal: Walang pasaporte, walang sapat na tirahan, sa nakaraan ay nagbigay sa mga pekeng  impormasyon o pagkakakilanlan, lumabag sa deportasyon, lumabag  sa mga safety measures na ibinigay para sa mga magkukusang-loob na bumalik sa sariling bansa.

 Ang batas ay tumutukoy din sa pagpapahaba ng pananatili sa CEI ng hanggang sa labing-walong buwan (na anim na araw lamang), kapag hindi maaaring mapatalsik ang mga ito sa kakulangan ng pakikipagtulungan o dahil sa kakulangan ng mga dokumentasyon mula sa bansang pinagmulan.

Ang iba’t-ibang mga extension ng dalawang buwan sa iba pang dalawang buwan, ay iginagawad ng Justice of peace (Giudice di pace).

Sa mga kaso kung saan hindi naman kinakailangan ang madaliang paghahatid sa border, ay tinutukoy ang kusang-loob na pagpapabalik sa sariling bayan. Sa kahilingan ng iligal na dayuhan, ang prefect ay maaaring pahintulutan ng 7-30 araw upang umalis ng bansa ng nag-iisa, kung mapapatunay ang pagkakaroon ng sapat na halaga, anglop na tirahan at pagpapakita sa oras at araw na itinakda sa isang estasyon ng pulis.

Ang batas ay nagsasaad din ng pagbabawal sa muling pagpasok sa Italya sa sinumang napatalsik at maaaring lumagpas ng limang taon. Bukod pa rito, ito ay maaaring bawiin ng mga iligal na dayuhan  na kusang-loob na bumalik, sa pamamagitan ng “assisted programs sa pagbalik sa sariling bayan” na sinubaybayan ng mga pang-internasyonal na organisasyon, mga lokal na awtoridad at mga asosasyong aktibo sa pagtulong imigrante.

Panghuli, ang mga iligal na dayuhan na mahuhuli ng mga pulis sa border habang umaalis sa Italya, mula ngayon ay hindi na igagawad ang pagpapatalsik, samakatwid ay hindi pagbabawalan ng muling pagpasok ng bansa. Isang mahalagang balita para sa mga banyagang manggagawa na Ilegal na nanatili sa Italya at marchi ay magiging legal sa pamamagitan ng direct hire. Mula ngayon, ay maaari nang lumabas at makauwi ng sariling bansa upang makamit ang entry visa.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGGALANG SA PANGALANG PINANGALAGAAN

Ok sa regularisasyon ng mga may dalawang deportasyon