in

University – Tapos na ang pre-registration, entry visa ilalabas sa Agosto.

Mga consulates ang magpapadala ng mga aplikasyon sa mga unibersidad na pipili ng mga mag-aaral na magpapatuloy ng pag-aaral sa bansa. Isang summer vacation ng mahabang paghihintay. Samantala, mainit din ang mga reklamong lumalabas: “Maigsing panahon, kaunting impormasyon at pagpapaubaya sa sandaling makarating nà ng Italya”.

altRoma – Ang pre-registration sa Italian University ay matatapos nà para sa mga dayuhang mag-aaral na naninirahan sa ibang bansa. Ang ilang consulates ay hindi na rin tumatanggap ng mga aplikasyon , ang iba naman ay magpapatuloy hanggang sa ilang araw na lamang.

Dapat lamang na alam nà ng lahat ng mga consulates ang sitwasyon, upang sa kalagitnaan ng Hulyo ay maipadala ang mga aplikasyon sa mga unibersidad. Para sa mga naghahangad na magpatuloy ng pag-aaral sa Italya ay nararapat na maghintay hanggang Agosto upang malaman kung sino ang ang kukuha ng entrance exam tulad ng italian language o pati ng ibang mga exams para sa quota course.

Ang iskedyul na inihanda ng University Ministry, alinsunod sa Interior Ministry at Foreign Ministry, ang pagbibigay ng mga entry visa ay hanggang Agosto 24. Ayon sa mga nabanggit, ang deadline na itinakda ay magpapahintulot sa mga mag-aaral na makapasok ng bansa hanggang Setyembre 1, araw kung kalian naka iskedyul ang Italian test.

“Masyadong maigsi ang panahong nakalaan , ibibigay ang entry visa isang araw bago ang nakatakdang flight”, ayon sa isang Albanian student sa University of Florence.”Hindi sapat upang tapusin ang mga bagay na dapat asikasuhin. Sa pagdating naman sa Italya, ang mga dayuhang mag-aaral ay kailangang humanap ng tirahan sa pamamagitan ng mga kaibigan at kakilala. Karaniwang  nakakapasok sa pabahay ng pamahalaan pagkatapos ng ikalawang taon ng pag-aaral”, pagpapatuloy ng istudyante.

Halos 3% lamang ang nag-apply sa tinatayang 8,5 % na aplikasyon. Maaaring dahil na rin sa tila kulang na organisasyon para sa mga mag-aaral. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pangakong permesso di soggiorno, Pilipina kasama sa 15 arestado….

For best name, Belo offers P5K …..