”Living together”, isang ulat mula sa mga tanyag na personalidad ng Council of Europe, isang tema ukol sa integration ng mga migrante at ukol sa rispeto sa mga bansa ng Europa.
Rome – Pagpapalawak ng mga karapatan at mga civic responsibilities kabilang ang karapatang bumoto ng mga residente at bilang unang hakbang ay dapat bigyan ang mga dayuhan ng karapatang bumoto sa lokal na halalan.
Ang isa sa mga recommendations sa mga estado ng Europa na nakapaloob sa ‘draft’ ng isang tanyag na personalidad ng Council of Europe, na may titolong ”Living together” ay ukol sa paksa ng integrasyon ng mga migrante at rispetto sa mga bansa ng Europa.
Ang naglahad ng draft ng ulat sa Roma ay ang Kalihim ng Konseho ng Europa na si Thorbijorn Jagland, at si Emma Bonino na isa sa siyam na personalidad na gumawa ng ulat. Ang mga bansa ng Europa ay inanyayahan ding iwasto ang nakaliligaw na impormasyon at ang stereotype na pagkilala sa migrasyon upang magbigay sa kanilang mga mamamayan ng higit na makatotohanang sitwasyon ukol sa mga migrante at ang kasalukuyan at mga hinaharap na mga pangangailangan ng Europa sa imigrasyon.
Ang sitwasyon ng imigrasyon, ayon sa Ulat, ay hindi ang eksaktong mga pangyayari; tulad ng paglala ng diskriminasyon at ang totoong pagharap ng Europa sa paksa. Lalong higit sa Roma, ang mga migrante ng ikalawang henerasyon, kadalasan ay tinuturing bilang mga dayuhan sa bansa ng kanilang pinanganakan at hindi isang tunay na mamamayan.