Narito ang tugon ng pahayagan ng Lega Nord sa mungkahi ng Stranieriinitalia.it. “Hindi pa handa ang sosyedad, hindi lamang pera ang tugon sa lahat”. Mas mabuting panatilihin ang kalahating milyong mga iligal na imigrante?
Rome – “Gawing regular ang 500,000 na iligal na dayuhan upang magpasok ng pera sa kaban ng bayan.”Masagwa, ngunit epektibo, ganito tinanggap ng La Padania ang mungkahi ng Stranieriinitalia.it, isang “indecent proposal”.
Hindi nagustuhan ng pahayagan ang ideya ng “mangolekta ng pera” (3 bilyong euro kada taon) kung saan ang sosyedad ay maaaring hindi pa handa sa ngayon: ang bigyan ng permit to stay ang 500,000 iligal na imigrante na kasalukuyang naninirahan sa bansa. “Para sa Lega Nord”- dagdag pa nito – ang Ekonomiya ay hindi ang lahat. Ang ugat at identity ng ating mamamayan ay nagkakahalaga ng higit pa sa anumang yaman..”
Tila ang kakaibang “sosyedad” na inilalarawan ng Padania ay magugulat kung ang kalahating milyong mga trabahador ay tahakang nagnanais na bayaran ang mga buwis at kontribusyon. Ang kakaibang mga mamamayang ito ay tila ba maglalaho kapag narinig ang salitang regularization.
Samakatwid mas mabuting manatiling tulad nila, ng Lega Nord, na nagpapalinis ng bahay, nagpapa-repair ng bubong, o nagpapahatid ng kape mula sa isang malaking grupo ng mga kriminal (dahil ang pagiging iligal ay isang krimen), na hindi nagbabayad ng buwis at kontribusyon, na walang sinuman ang maghahayag ng pagpapatalsik sa mga ito o kayo mismo ang magpapatalsik?
P.S. Sa pelikulang “Indecent Proposal” ang bilyunaryong si Robert Redford ay nag-alok ng isang milyong dolyar sa magandang si Demi Moore, isang maligayang namumuhay na maybahay, para makapiling ito sa isang gabi. At tinanggap naman ng babae.