in

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA GOITER

altAng goiter o bronchocele ang tawag sa thyroid gland na lumaki o paglaki ng leeg ng tao, sa dako ng lalagukan/ gulung-gulungan (adam’s apple) at babagtingan (larynx). Karaniwang tawag din na “bosyo”. Ang paglaki ng thyroid gland ay sanhi ng kakulangan sa Iodine ( Iodine deficiency ) sa katawan ng tao. Sa ganitong uri ng karamdaman, ang thyroid ay bumubuo ng labis o kakaunting hormones o kaya’y may bukol o nodule na tumutubo sa mismong  gland.

Ang thyroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid hormones na kailangan ng katawan. Ang  tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang)   sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol  (o wala). Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay “hyperthyroidism”, at kung kulang naman ay “hypothyroidism”.

Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguni’t  kapos o labis sa nagagawang thyroxine at triiodotyronine. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo at mahalagang  kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan  ng fats at carbohydrates. Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.

Ang mga dapat gawin kung may goiter ang isang tao.

Ang mga nararamdaman ng isang tao at ang pag-eksameng pisikal  sa kaniya ay masusing ginagawa  ng doctor o health worker. Kung may nakikitang palatandaan na mayroon ngang sakit na goiter , ito’y nagpapahiwatig na may problema sa nutrisyong iodine ang taong iyun. Mayroong mga pagsusuring ginagawa (TSH, T4, T3, FT3, FT4, thyroid antibodies; thyroid scan o ultrasound) upang matiyak ang kalagayan ng thyroid gland. Kung minsan ay ginagawa rin ang “Fine Needle Aspiration Biopsy” (FNAB) upang makakuha ng kapirasong laman mula sa bukol ng goiter at makasiguro kung ito ay pamamaga lamang o baka kanser na ito.

Ang goiter o bosyo  na dala  ng kakulangan sa iodine ay maiiwasan sa pagkain ng isda, alimango, hipon, talaba,  pusit, halamang dagat (seaweed) at iba pang pagkaing mayaman sa iodine. Ang paggamit ng asinng may iodine o iodized salt ay higit na ipinapayo  para maiwasan ang goiter. Kung ito naman ay sanhi ng sobra o kulang sa paggawa thyroid hormone , mayroong mga gamot na nakakapagpapagaling ditto. Ang mga goiter na lubhang malaki na at marami nang bukol ay mabuti pang tinatanggal  na sa operasyon. Mayroon din naming mga goiter na tinutunaw o sinusunog sa pamamagitan ng “radioactive iodine” (RAI). Ang uri ng paggamot sa goiter ay ipinapayo ng doctor.

Ang Iodine ay substansiyang lubos na kailangan para sa normal na paglaki at mabuting kalagayan ng ating katawan at utak. Sa ating habang-buhay na pangangailangan sa iodine ay hindi lalampas sa isang kutsarita. Kahit ito ay maliit lamang, ang iodine ay dapat na naroroon  na bago pa ang ating kapanganakan  hanggang sa ating katandaan.

Kung kulang ang katawan sa iodine, ang katawan ay hindi nakagagawa ng matiwasay.  Ang tao ay nagkakaroon ng goiter o bosyo , kulang ang metabolism (hypothyroidism), kakulangan sa pag-iisip . ang mga babae ay mahirap magbuntis , hirap sa pagbubuntis , o madalas na nalalaglag ang kabuntisan . kung makapanganak man, ang mga supling at mababa ang timbang , mahina ang mga katawan at medaling mamatay , mahihina ang utak o mababa ang IQ , o isinilang na mayroon nang mga kapansanan tulad ng pagiging pipi o bingi , o lumaking mga pandak o bansot . Habambuhay na tataglayin ng bata ang kakulangan sa IQ (13.5 puntos ang nawawala)  at sila ay kailangan pang alalayan kahit na sa kanilang katandaan.

Ayon sa FNRI 2008 National Nutrition Survey (NNS) ang kalagayan ng iodine sa mga batang 6 – 12 ay sapat lang (132 mcg/L kung ikukumpara sa normal na 100 mcg/L).    Subali’t sa mga babaeng buntis , ang lagay ng iodine ay kulang (105 mcg/L; normal ay dapat 150 – 249 mcg/L); gayundin sa mga babaeng nagpapasuso  (81 mcg/L; normal ay dapat 100 mcg/L).  Nagpapatunay ito na  ang Pilipinas ay mayroong problema sa nutrisyong iodine ng mga babaeng buntis at nagpapasuso. Sila ay dapat bigyan ng masugid na kaalaman tungkol sas paggamit ng iodized salt sa kanilang pagluluto at pagkain. Sila rin ay dapat himukin sa wastong pagkain ng mga mayayaman sa iodine sa hapag kainan at sa pagkakaroon ng regular check-up sa mg doctor o health workers sa kanilang mga thyroid gland , lalung-lalo na at ang kababaihan ang madalas na magkakaroon ng goiter o bosyo.

Ang asin ay regular na ginagamit ng balansa sa pagluluto o hapag kainan . Ang paggawa ng iodized  salt at madali lamang. Ang Pilipinas ay mayroong mga batas at palatuntunang umiiral kung gaano karaming iodine ang dapat isangkap sa asin : ito ay 20 – m40 mcg iodine/ gramo ng asin (20-40 ppm) . kung ang isang tao ay kumakain ng 5 gramo ng asin na may halong 30ppm iodine, siya’y nagkakamit ng 150 mcg iodine sa isang araw.

Isa pang mabuting pinagmumulan  ng iodine para sa mamamayan ay ang iodized vegetable oil na nakapagbibigay ng iodine sa katawan sa loob ng isang taon. Ito ay angkop lalung-lalo na kung ang pinagmumulan ng iodized salt ay hindi tiyak. Ang inumin ay pwede ring lagyan ng iodine ; ito’y angkop sa mga inuming pambahay o pampaaralan.  Ang iodine sa tubig inumin ay nakapagpapalinis ng tubig at nakapagtatanggal ng mikrobiyo.

May mga tabletang gamut  na may lamang potassium iodine (100 – 300 mcg) sa isang araw o 1 mg sa isang linggo. Ang ilang mga gamut bitamina o mineral ay nagtataglay ng 150 mcg iodine, sapat para sa araw-araw na pangangailangan. (FNA-Rome)

Ang FNA-Rome ay isang independent, non-commercial, non-profit, non-partisan, non-sectarian volunteer organization. Ang pagkuha ng blood pressure at blood sugar/cholesterol test ay kabilang sa mga serbisyong ibinibigay namin tuwing medical outreach.

Kung nais ninyong magpa-schedule ng outreach para sa inyong organization o community, pakitawagan lamang si Gng. Julia Garzon-Ferrer, FNA Secretary, sa numerong 3270885838 at si Bb. Nenette Vecinal, FNA Assistant Secretary, sa numerong 3295371278 para mapag-usapan ito. Maraming salamat po.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang-unang Summer Beach Model Italy 2011, ginanap sa Viareggio

TURIN, the city-capital of Piedmont