in

CENSUS. Bukas na rin para sa mga migrante ang mga ‘bando’

Matapos ang opinyon ng UNAR at ng hatol ng korte, ay napalitan ang panawagan o bando sa nalalapit na census at ito ay binuksan na rin sa mga migrante. Mga huling araw na nalalabi para sa pagsusumite ng mga aplikasyon.

altRome – Sa Oktubre ay magsisimula ang pangkalahatang pagbibilang sa populasyon o ‘censimento’, upang malaman kung ilan at kung paano ang manirahan sa Italya. Ito ay isang napakalaking operasyon na maaari ng lahukan ng mga migranteng manggagawa.

Ang mga Comune ay sinimulan na bago pa man ang summer vacation, ang paghahanap ng mga kawani na maaaring mag-bahay-bahay upang gawin ang panayam o maaaring mag-coordinate ng nasabing operasyon. Ngunit sa mga panawagan ay pangunahing requirement ang pagkakaroon ng Italian citizenship na nagtatanggal sa mga dayuhang wala nito.

Pagkatapos ay lumabas ang opinyon ng National Office Laban sa Diskriminasyon at ang hatol ng korte ng Milan at Genoa na pigilan ito dahil ito ay iligal at hindi naaayon sa batas, na naging dahilan naman ng pag-atras ng mga ito. Sa Milan, Rome, Turin at iba pang mga lungsod ay muling binuksan ang panawagan ng walang hinihinging Italian citizenship para sa partesipasyon ng mga migrante.

Inaanyayahan ang mgainteresado na lumapit lamang sa mga lokal na munisipalidad upang malaman kung paano mag-apply sa lalong madaling panahon bago matapos ang nasabing panawagan.

Kopya ng panawagan o bando

Kopya application form

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Awit ng ating pagkakaibigan – Salamat mga kaibigan

Lusot ang bagong buwis sa bawat remittance