in

Lusot ang bagong buwis sa bawat remittance

Lumusot ang susog ng Lega Nord na 2% tax sa remittance ng mga migranteng walang dokumento. Ngunit gaano nga ba karami ang mga nagpapadala ng pera sa sariling bansa sa pamamagitan ng paki-dala? Tinanggihan naman ang pagkakaroon ng bank guarantee sa pagkakaroon ng  VAT number o partita iva.

altRome – Ang Lega Nord ay patuloy pa ring sinusubukan ang paglalagay ng buwis sa mga remittances ng mga migranteng hindi regular sa bansa.

Ang Senate Budget Committee ay inaprubahan ang susog sa Finance act (manovra finanziaria) na iniharap nina Massimo Garavaglia at Gianvittorio Vaccari. Ito ay nagsasad ng pagtatatag ng “isang uri ng buwis sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga bangko, money transfer agency  at iba pang pinansiyal na mga ahente”. Partikular, kailangang bayaran ang 2% sa gobyerno ng halagang ipinadala sa mga mahal sa buhay, na may isang minimum amount ng kaltas na € 3.00.

Gayunpaman, ay exempted mula sa kaltas na ito ang sinumang mayroong INPS serial code (matricola INPS) at ng fiscal code (codice fiscale), samakatwid ang bagong buwis ay hindi sumasaklaw sa mga regular na migrante. Pagkakakitaan ng Gobyerno ang mga hindi regular na migrante? Tila mahirap yata. Dalawang taon na, salamat sa batas sa seguridad, ay kinakailangang iprisinta ang permit to stay tuwing magpapadala ng pera sa ibang bansa at inuulat sa pulis ang sinumang hindi sumunod dito.

Sa katunayan, maraming mga migrante ang humihiram sa mga kaibigan o kamag-anak ng kanilang permit to stay para makapag-padala ng pera sa kanilang bansa (di kaya’y sinasamahan ito para sa kaligtasan ng operasyon), at isa na namang panlilinlang ang bagong patakaran na hinahangad ng Carroccio na sa kasalukuyan ay umiiral na! O maaaring hindi nila alam na ang pagdami ng kondisyon sa pagpapadala ng pera ay higit na pagdami rin ng mga pamamaraang karaniwan ay iligal sa pagpapadala ng pera, na nakakaligtas din naman sa mga mata ng batas.

Samantala, isa pang susog ang hindi pasado mula sa anti-migrant na Lega Nord. Ang Budget Commission ay tinanggihan ang isang panukala na kinakailangang mayroong bank guarantee ang lahat ng dayuhang magbubukas ng VAT number o partita iva ng 3,000 euros. Ito ay ang walang pagod ng Lega Nord sa mga makabuluhang susog laban sa mga migrante. Kailan kaya muli at ano na naman kaya ang mga susog na ihaharap ng mga ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CENSUS. Bukas na rin para sa mga migrante ang mga ‘bando’

Back-to-school – 7.5% ng mga mag-aaral ay mga dayuhan.