in

Back-to-school – 7.5% ng mga mag-aaral ay mga dayuhan.

Kabilang din ang 670,000 anak ng mga migrante sa nalalapit na back-to-school. Hangarin rin nila ang makatapos ngunit ng mas mababang propesyon. Isa lamang sa bawat tatlong mag-aaral ang naghahangad ng isang degree. Ito ang resulta ng isang pag-aaral mula sa Leone Moressa foundation.

altRome – Sa taong 2010, ay may natalang  673,800 mga dayuhang mag-aaral, 7.5% ng kabuuang bilang, isang pagtaas ng 7,0% sa nakaraang taon at 81, 1% naman kumpara noong 2005.

Halos kalahati ng bilang ng tinatawag na ‘prima generazione’ o mga kabataang may edad na labinlimang taong gulang, ay dumating sa Italya ng halos anim na taong pa lamang ang nakakalipas. Hangarin rin  nila ang makatapos ngunit ng mas mababang propesyon. Sa katunayan isa lamang sa bawat tatlong mag-aaral ang naghahangad na makarating ng unibersidad. Karamihan ay naka-enroll sa mga polytechnic o vocational school.

Ito ang ilan sa mga resulta ng isang pag-aaral ukol sa mga dayuhan sa Italian school na ginawa ng Leone Moressa Foundation, na hinahap ang identikit ng mga dayuhang mag-aaral na may edad na labinglima at inumpisahan ang isang survey sa Pisa na isinasagawa noong 2009.

Ang mga labinlimang taong gulang na mag-aaral

Ang 5.1% ng mga respondents ay mga dayuhan, kung saan 3.9% ay bahagi ng tinatawag na ‘unang henerasyon’ at ang 1, 1% naman ay bahagi ng ‘ikalawa’. Kabilang sa mga ‘first generation’ ay karaniwang dumating sa Italya pagkalipas ang ikasiyam na taon gulang (25.3% 9-11 taon, 23.0% 12-14 taon at 2.4% sa 15 taong gulang ), samakatwid ay pumasok sa mga silid-aralan sa Italya na may sapat ng edad.  Ang mga dayuhang mag-aaral ay karaniwang naka-enroll sa vocational (30.3%) at technical school (29.6%), hindi tulad ng mga Italyano (na may edad na labinglima), ang karamihan ay maka-enroll sa liceo o senior high school (45.6%),

Ang mga Italyano at mga dayuhang mag-aaral ay nagpapakita ng pagkakaiba ng nais na marating na antas ng edukasyon: ang mga Italyano ay nagnanais makamit ang PhD – degree (41.6% ng mga kaso) o ang three-year course degree (9.0%), sa halip ang mga dayuhang mag-aaral ay 26.7% lamang ang nagnanais makamit ang Phd at 6.3% lamang ang naghahangad ng three-year course degree, 34.4% naman ang naghahangad ng diploma ng senior high school at 25.8% ang naghahangad ng vocational qualification. 13.1% ang may tutoring sa Italian language at 16 % naman ang sa matematika.

Pamilya at tahanan

Sa tahanan ng 67.4% banyagang mag-aaral na nainterview ay ang sariling wika ang pangunahing salita. Ang mga magulang ay karaniwang mababa o medya ang libel ng hanapbuhay (paraheno ang ama at ina) at kadalasang higit na nakakaranas ng ‘unemployment’ kumpara sa mga magulang na Italyano. Mas mataas ang antas ng mga silid ng mga mag-aaral na Italyano sa kanilang mga tahanan at karaniwang may internet connection: 95.7% ng mga italyano ang may PC samantalang 88.6% lamang ang mga mag-aaral na dayuhan; 88.7% ang mayroong internet connection sa paggawa ng kanilang mga home works samantalang 73.8% lamang ang mga dayuhang mayroon nito. Bukod pa rito, sa bahay ng mga dayuhang mag-aaral ay hindi marami ang mga libro, higit sa kalahati ng bilang ng mga banyagang mag-aaral ay may access sa 25 mga libro lamang at 27% naman ang mga kaso ng mas mababa sa 10 ang libro. Samantala, ang mga Italyano ay maraming mga reference book sa kanilang mga tahanan.
 

Ang presensya ng mga dayuhan sa mga paaralan

altSa Grade 1 ay matatagpuan ang pinakamataas na bilang ng mga dayuhang mag-aaral, 8.7%. Sumusunod ang elementarya na may 8, 5%, ang nursery school na may 8, 1% at ang high school na may 5.3%. Maliban sa kindergarten, halos lahat ng mga banyagang mag-aaral ay nakatala sa isang pampublikong paaralan. Ngunit sa secondary school (o superiore) nakita ang mabilis na pagtaas sa bilang ng mga banyagang mag-aaral: Kung noong nakaraang taon ay tumaas ng 9.7%, sa nakaraang 5 taon ay tumaas ng 123.5%. Higit ang pagdami sa elementarya (4.4% noong nakaraang taon at 65.4% sa nakaraang limang taon).

Sa mga lalawigan ng Milan, Rome, Turin at Brescia ay matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mga dayuhang mag-aaral. Sa Milan, halimbawa, mayroong 11,096 nakatala sa kindergarten, 18,753 sa elementarya, 11,244 sa middle school (medie) at 12,203 sa secondary (high) school. Ngunit sa mga probinsya ng Prato, Mantova at Piacenza ay matatagpuan ang mas mataas na bilang ng mga banyagang mag-aaral sa kabuuang bilang ng mga ito. Sa elementarya at sa middle school ng Prato ay halos isang mag-aaral sa bawat lima ay dayuhan, sa Mantova naman ay halos 20% sa kindergarten, habang sa Piacenza ay mas marami sa high school.
“Ang patuloy na pagdami ng mga dayuhang mag-aaral sa silid-paaralan,” ayon sa mananaliksik ng Leone Moressa Foundation, “ay laman ng mga debate na naglalayon ng higit na pormasyon ng mga batang migrante: mula sa karapatan hanggang sa pag-aaral ng mga patakaran, ang garansya ng isang mas mataas na kalidad ng pag-aaral. Ang pagpili ng mga banyagang mag-aaral sa mga teknikal o bokasyonal na mga paaralan, mas mababang degree at ang mababang profile ng trabaho ng mga magulang ay nagpapakita lamang ng mga pinagdadaanan ng mga migranteng mag-aaral na karaniwang hindi ng mga kaeskwelang italyano.

“Higit pa rito, – dagdag ng mga researcher- ang pagpasok ng mga banyagang mag-aaral sa paaralan ng may sapat na edad nà ay nagiging sanhi ng mga problema sa panahon ng pag-uumpisa ng pag-aaral, unang-una dahil sa kakaunti o sa kakulangan ng kaalaman sa wikang Italyano.  Kahit na ang presensya ng mga banyaga sa mga paaralan ay maaaring maging sanhi ng kahinaan kung hindi pamamahalaan ng husto, gayunpaman, ay isang mahalagang mapagkukunan ng yaman, sa panahong maganap ang unang bahagi ng integrasyon kung saan ang mga italyano at dayuhan ay magkakakilanlan ng lubos.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lusot ang bagong buwis sa bawat remittance

Asamblea ng mga Saksi ni Jehova, ginanap sa Roma