in

Asamblea ng mga Saksi ni Jehova, ginanap sa Roma

altGinanap sa Assembly Hall ng Saksi ni Jehova sa Roma noong Hulyo 28 ang isang Pandistritong Kombensyon o Asamblea kung saan tinalakay ang tungkol sa isang gobyerno na binabanggit ng milyun-milyong tao sa kanilang mga panalangin. Ang layunin ng programa ay upang palakasin ang pananampalataya ng bawat isa sa pagiging totoo ng  Kaharian ng Diyos.

Ang tema ng asamblea ay “Dumating Nawa ang Iyong Kaharian!” at ito ay dinaluhan ng mga Pilipino mula sa Sentro at Timog ng Italya. Tinalakay sa nasabing pagtititpon ang “modelong panalangin” o “Panalangin ng Panginoon” o “Ama Namin” kung saan itinuro ni Jesus na manalangin na “dumating nawa ang Kaharian ng Diyos”. Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na malaki ang pagbabagong idudulot ng Kahariang ito dito sa lupa.alt

Bukod sa pagiging isang okasyon para matuto ng higit pa tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga layunin ang asamblea ay naging isang okasyon para higit na patibayin ang buklod ng kapatiran na umiiral sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova. Hindi lamang mga salig-sa-Bibliyang mga pahayag, nagkaroon din ng iba’t ibang pagtatanghal tulad ng mga interview at mga drama.

Sa Italya ay gaganapin ang 89 na ganitong uri ng asamblea sa 17 mga lunsod.

Sa buong daigdig ang mga Saksi ni Jehova ay mahigit sa 7.500.000 at bumubuo sila ng 107.000 kongregasyon. (ni: Eduardo Maresca)
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Back-to-school – 7.5% ng mga mag-aaral ay mga dayuhan.

Buwaya, nahuli ng buhay!