Sinabi ng Chief ng prosecutor ng Savona sa investigative Police: “May isa nang negatibong kahulugan ang salitang “extracomunitari” (non-EU migrant ), umpisahan na nating gamitin ang salitang “dayuhan”. Ano ang inyong palagay? Anu- ano ang inyong opinion?
Rome – Huwag na natin silang tawaging “non-EU migrant”. Ito ay ang kahilingan ng Head ng prosecutor ng Savona na si Francantonio Granero na nagnanais ipahatid sa lahat ng tanggapan ng investigative police na nakikipagtulungan sa mga Hukom.
Isang circular na pirmado ni Granero ang ipinahahatid sa lahat ng mga tanggapan ng pulis, traffic wardens at financiers upang gamitin ang bagong pantukoy sa mga migrante. Sa lahat ng mga dokumentong piskal kadalasang ginagamit ang salitang non-EU migrant sa mga krimen, mga reports at iba pang mga dokumento. Ang mga migrante ay dapat na tinatawag na “dayuhan o estranghero”.
“Sa aking palagay, ang salitang ‘non-EU migrant’, ayon pa kay Granero, ay nagkaroon ng hindi magandang interpreatsyon sa nagdaang panahon. Kung kaya’t hihingin ko sa iba’t ibang tanggapan na gamitin ang salitang “mamamayang dayuhan” , upang gawin ding katulad ang kadalasan ginagamit sa mga “mamamayang Italyano”.
Sumang-ayon naman si Francesco Pinto, ang presidente ng National Association of Magistrates ng Liguria, na nagpa-alala kung paano ang “European Court of Justice, sa ilang mga okasyon, ay sinabing dapat ding tanggalin ang diskriminasyon sa paggamit ng mga salita. Sa katunayan, ang salitang non-EU migrant sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng kahulugang rasista”.
Kayo? Ano ang inyong palagay? Talaga bang may hindi positibong epekto ang salitang ‘extracomunitario’ o non-EU migrant? At mainam na gamitin ang salitang “mamamayang dayuhan”?