in

Bagong buwis ng 2% sa bawat remittance, pinatutupad na!

Inumpisahang ipatupad ang remittance tax ng 2% noong Sabado, Sept 17, 2011. Isang bagay na hindi naman ikinagitla ng ating mga dayuhan dahil ilang araw na ring laman ng mga dyaryo, radyo at telebisyon ang nasabing tax. Exempted lamang sa nasabing tax ang mga dayuhan o non-EU nationals na magpi-prisinta ng kanilang bollettini Inps o busta paga upang malaman ang kanilang Inps code at fiscal code. Maging ang mga Italyano at mga EU nationals ay exempted sa nasabing tax.

May iilang kababayan rin tayo na napatawan ng nasabing tax dahil kinakailangang maipadala sa lalong madaling panahon ang remittance at ang hindi nila pagkakaroon ng kopya ng mga kinakailangang dokumento ang naging sanhi upang sila ay mapatawan ng bagong tax.

Tulad ng mga modus operandi sa nakaraan, gaya ng panghihiram ng permit to stay sa kaibigan, kaanak o kakilala o di kaya’y ang kilalang paki-dala ay isang bagay na maaaring ipagpatuloy ng mga dayuhang walang permit to stay upang makapag padala lamang ng pera. Dahil bukod sa pag-iwas sa 2% tax ay ikinababahala ng mga walang dokumento ang nilalaman ng naunang batas o Bossi Fini law ng posibleng pagre report sa mga ito sa pulis sa hindi pagpapakita o pagpiprisinta ng permit to stay.

Ang kamakailang proposal ng mga susog na ipataw rin ang tax maging sa mga non-EU nationals na mayroong permit to stay ay isa na namang mainit na usapin dahil ito ay lantarang pangingikil sa bulsa ng mga dayuhang bukod sa unang kategoriyang tinamaan ng krisis ay patuloy na nagbabanat ng buto upang kumita para sa ikabubuhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sept 19, 2011

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Wiretaps, isa sa mga katibayan laban kay Winston!

Sino ang Consumer? Ano ang ibg sabihin ng Warranty?