in

Classe Ponte para sa mga mag-aaral na dayuhan

‘Isa o dalawang taon sa training school. Upang maiiwasan ang sama ng loob at paghihirap nila

altRome  – “May ilang nagnanais ng pantay pantay na pagtingin sa lahat ng mga bata ngunit, naniniwala ako na dapat ay magkaroon ang lahat ng pagkakataon at mga angkop na pamamaraan upang mapalalim ang kanilang potensyal at hindi ang maghabol sa paaralan o mas masahol, ang iwan ang pag-aaral”.

Ganito ang pag-iisip ni Irene Aderenti, senador ng Lega Nord at nagtuturo sa  elemetarya ng higit sa tatlumpung taon

Noong 2008, sya ay nagsulong ng isang bill upang maitaguyod ang ‘ponte classe’ kung saan ang mga mag-aaral ng mga migrante ay matutunan ang wikang Italyano at ang ‘Sibika at Kultura’ bago ang mga ito ay ipasok sa ‘totoong klase’. Ang iilang parehong subject ng mga ito ay ang Physical education at Religion lamang.

Ito ay mainit na tinanggap, kahit na si Berlusconi at maging ang gobyerno ay pinaniwalaan ito. Ngunit, tulad ng madalas mangyari, ang bill ay nalimot (ni hindi inumpisahan ang debate ukol dito), marahil dahil napalitan ng maximum 30% na mga banyagang mag-aaral sa bawat klase na lumabas sa pamamagitan ng isang circular mula sa Education Minister na si Gelmini Mariastella.
Ngayong linggong ito ay nagbalik sa posisyon si Irene Aderenti at muli ay nag sumite ng isang bagong bill sa Senado, na hindi na malayo sa nauna. Ito ay para lamang sa mga kabataan na papasok sa Secondary school, bilang paghahanda at upang ma ‘catch up’ nito ang ilang mga subjects ngunit sa mga Ctp-Eda, o public training center for adults kung saan kadalasang nag-aaral ng italian language ang mga dayuhan.

Ayon sa bill, ang mga menor de edad na dumarating sa Italya na may higit na labinapat na taong gulang ay maaari lamang pumasok sa Secondary school (second level) kung mayroong isang diploma buhat sa sariling bansa na equivalent sa diploma ng Secondary school (first level) na kinikilala ng bansang Italya sa pamamagitan ng mga kasunduang bilateral. Kung hindi, kakailanganin muna ang sumailalim sa exam ng High school (first level).

Exam sa mga pribado? Ang mga bata ay ipinag-uutos na pumasok ng araw araw sa public training center. Ang mga ito ay sama samang maghahanda at kapag handa na ang mga ito at sasailalim sa exam ng high school at pagkatapos pa lamang ipapasok sa Secondary school (second level).

Para sa senador ang isa o dalawang taon ng mga anak ng mga migrante sa training school ay maaaring matutunan ang wikang Italyano at isa pang taon upang matutunan ang kasaysayan at geography. Nasasaad sa kanyang proposal ‘ito ay upang maiwasan ang sama ng loob at paghihirap ng mga kabataan na karaniwang sanhi ng pag-iwan sa paaralan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sino ang Consumer? Ano ang ibg sabihin ng Warranty?

Aquino sets aside P24.8 M for US working visit to US