in

UIL: Dayuhan bahagi ng kinabukasa ng Italya

“Bigyan din natin sila ng ganap na karapatan ng pagkamamamayan “

altRoma – Ang mga datos na ibinigay ng Istat ukol sa populasyon ng mga banyagang residente “ay nagpapahiwatig ng isang hindi maaaring tanggihang multi-ethnic na lipunan na kinakailangang mag-tulak upang makumpleto ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan o citizenship at ang mga karapatan at tungkuling  napapaloob dito.”

Ito ang mga pahayag ni Guglielmo Loy, ang leader ng UIL. “Sa kabila ng krisis sa ekonomiya  na tumama sa Italya, ang dinamika ng populasyon ng mga banyagang dumarating sa Italya ay nanatili mabilis sa taong 2010, bilang katibayan ng pagkakaroon ng mas malalim at mahalagang paglago bilang bahagi ng lipunan ng buhay at ng ekonomiya sa ating bansa.”

Ang UIL ay naniniwala na dumating na ang panahon ng “malalim na reporma” ng mga mekanismo ng pamahalaan sa imigrasyon, na may kakaiba at mas kolaboratibong pananaw sa mga bansa ng South Mediterranean. “Kailangan – sinabi pa ni  Loy – ng isang malakas na pamamahala bilang suporta sa mga regular na pagpasok at tamang kundisyon upang labanan ang iligal na migrasyon. Kailangan din ng mga sensyales na magbabago sa karapatan ng pagkamamamayan, ang makahanap ng parehong direksyon sa ikabubuti di lamang ng reporma gayun din bilang pagtanggap sa mga bagong mamamayan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CONSIGLIERI AGGIUNTI sa Roma, extended muli!!

Integration agreement ipatutupad na!