in

MAKAHULUGANG KARANASAN NG MGA KABATAANG DUMALO SA WORLD YOUTH DAY SA BARCELONA,…IBINAGI SA PINAKA MALAKING YOUTH ENCOUNTER SA MILAN….

MILAN, Italy –  Maituturing na pinaka malaking  Youth Encounter  ang naganap na dalawang araw na  pagtitipon ng sari-saring youth groups  kamakailan  dito sa fashion city.

altDinaan sa paglulunsad ng 2-day Friendship game na nilahukan ng malalaking Filipino communities ang naging paraan ng Chaplaincy ng  Filipino Community of San Lorenzo (FCSL)  na pinangungunahan ni  Fr. Emil Santos  upang malikom ang mga kabataang Pinoy dito sa Milan.

Pangunahing motibo ng pagtitipon ay maibahagi  ng mga kabataang dumalo sa nakaraang World Youth Day sa  Madrid, Spain ang mga karanasan ng mga ito sa kapwa  kabataan dito sa Milan. Pagpapahalaga din sa mga kontribusyon ng mga kabataan sa mga komunidad ang isa pang layunin ng aktibidad na nasa ika-apat na taon na ngayon.

Para sa ilang dumalo, isang kakaibang karanasan na kailanman ay  hindi makakalimutan ang mapabilang sa 2011 World Youth Day participants.

Binigyang diin ni Romar Oba, Youth for Christ member ng Filipino Community of San Lorenzo ,  ang nakalipas na karanasan ay  magpapatatag ng  pananampalataya.

“Na-experience natin  kung ano bang essence ng pagiging Kalotiko,  kasi di ba minsan, ganito lang,..pumupunta tayo sa simbahan, magsisimba tapos uuwi tapos magtratrabaho na  for the whole week , o mag-araal na for the whole week. Parang sabi natin, ganito lang bang buhay katoliko? Kita nyo naman syempre ibato, ibang buhay, cathecism ito…” diin pa ni Oba.

Halos  doble ang bilang ng mga dumalong kabataang Pinoy ngayong taon kumpara noong mga nakaraang taon.

Ipinagmalaki ni Eduardo Canlas, Presidente ng FCSL,  ang motibo ng okasyon. “ Hindi lamang po sa pamamagitan ng mga religious activities kundi rin po sa mga palarong  tulad  nito,..dahil inaakala namin na sa  ganiton pagkakataon matitipon natin ang mga kabataan  at naisisik natin sa kanilang mga isipan ang  kahalagahan ng isang mabuti at masunuring  kabaaan sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga kaibigan at sa kanyang pamayanan.  

altPara sa lahat, isang makahulugang weekend ang kanilang naranasan. Pinuri din ng Simbahan ang mga kabataan sa kanilang kontribusyon sa kanilang mga komunidad. Hangad nito na lalo pang mapalawig at mapalawak ang  papel ng mga kabataan sa  mga gawaing simbahan.

 Naging madamdamin din ang ginanap na  banal na misa na pinangunahan ni  Fr. Emil. Sa ngayon, hangad ng mga magulang at ng simbahan na lalo pang tumatag  ang buhay spiritual ng mga kabataang Pinoy  dito sa Italya. (by: Zita Baron)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Validity ng ‘Carta d’identità’ (identity card) kahintulad ng validity ng permit to stay!

KAMPEONATO SA ONE-DAY FRIENDSHIP GAME NA INORGANISA NG B-DRINE,.. HINAKOT NG MILAN,..ROMA, PUMANGALAWA