in

Korteng teleponong bakal sa halip na i-phone: manloloko nadakip!

Rome – Inaresto ng mga pulis ng Mobile Unit kamakalawa, Miyerkules ika-5 ng Oktubre, sa Roma ang isang 31 anyos na Neapolitan, sa pandaraya nito sa isang 42- taong gulang na Pinoy, sa plasa Lodi, sa San Giovanni. Ayon sa report ng mga pulis, isang i-phone4 ang dahilan ng panloloko sa Pinoy. Ang insidente ay naganap bandang alas 4 ng hapon, nang ang isang Neapolitan ay lumapit sa Pilipino at ipinakita ang ibinebenta diumanong bagong telepono, pagkatapos ay inilagay ito sa loob ng isang itim na lalagyan sabay sarado sa zip nito kapalit ang anumang halaga. Binayaran ito ng Pinoy ng halagang € 30 kapalit ang isang teleponong nasa loob ng kaparehong lalagyan. Matapos makuha ang pera ay humarurot ang nagbento nito sakay ng kanyang motor.

altSamantala, isang ronda ng mga pulis (carabinieri) ang namataan ang manloloko sa pagsalpok nito sa isang traffic light matapos makipag-usap sa Pilipino. Hindi naman ito nasaktan ngunit naging magandang pagkakaton upang lapitan ito ng mga pulis at kontrolin.

Natunghayan ng Pilipino ang buong pangyayari at nagbigay daan upang ihayag sa pulis ang mga pangyayari. Ang manloloko ay dinampot ito matapos mahulihan ng ibang pang mga korteng teleponong bakal na ibinebentang i-phone4. Samantala, muling nabawi naman ng Pilipino ang kanyang pera.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

From Diaspora to Development

Superman Superfan Gets Plastic Surgeries to Look Like His Hero