Naging kontrobersyal ang mga naging pahayag ni US Ambassador to Manila Harry Thomas kamakailan sa pahayag nitong 40% ng mga foreign tourists sa Pilipinas ay nandito lamang dahil sa sex tourism. Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, tila seryoso ang pahayag ni Thomas kung kaya nais nilang magpaliwanag ito sa Department of Justice (DOJ) kung ano ang basehan sa sinabi.
Kokonsultahin din diumano ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano ang aksyon na gagawin nito kay Thomas.
“We are waiting for an explanation from the Ambassador.. We find it serious that a claim was made since we do not promote the Philippines as a sex haven,” ayon kay Lacierda at idinagdag na “wholesome family destination” ang bansa.