Ito ay ayon sa Kalihim ng PD sa isang mensahe na ipinadala kay Aurelio Mancuso, presidente ng ‘Equality Italia’
Roma – “Kabilang sa mga pangunahing puntos ng programa ng Democratic Party na ihaharap sa mga botante ay naglalaman ng malilinaw na commitments: iniisip namin ang pag-aapruba sa isang batas laban sa homophobia at transphobia, ang pagkilala sa mga unyon, ang pagbibigay ng karapatang bumoto sa mga kinikilalang mga bagong mamamayan. “
Ito ang mga pangungusap ng Kalihim ng PD, Pier Luigi Bersani, sa isang liham na ipinadala kay Aurelio Mancuso, presidente ng ‘Equality Italia’, sa ginanap na Kongreso sa Roma.
“Lahat ng mga isyung ito – ayon sa nilalaman ng liham ni Bersani – ay kailangang isama sa isang malaking kabanata ng ideya na ang bansa ay nagtataglay ng kinabukasan ng Italya: isang bansang bukas at sumasaklaw sa parehong progresong sibil at pang-ekonomiya, bilang daan sa panibagong karapatan ng pagkakapantay-pantay tulad ng nasasaad sa Saligang batas artikulo 3.
ANG KASIYAHAN NI LIVIA TURCO
“Malaking katuwaan habang binabasa namin ang mga salita ng Kalihim na si Bersani ng kanyang banggitin na kabilang sa mga pangunahing punto ng programa ng PD, ang pagbibigay ng boto sa mga migranteng nakatira sa Italya at ang karapatan ng mga mamamayang itinuturing na pinaka nasa panganib”.
Ito ang mga binitawang salita ni Livia Turco, habang abalang inaasikaso sa Head office ng PD ang isang pagpupulong ng iba’t ibang komunidad ng mga dayuhan, ng mga local administrator at mga pangunahing pwersang sumasaklaw sa mundo ng migrasyon upang mapalakas ang mga panukala ng Democratic Party sa pamamahala ng mga usaping may kinalama sa migrasyon.
Isang karagdagang kumpirmasyon upang soportahan ang kasalukuyang laban na aming hinaharap at upang ipagpatuloy na ipaglaban ang karapatan ng pagkakapantay-pantay.
Sa katunayan, kami ay sigurado – sa pagtatapos pa nito – na sa unang pagpupulong ng Konseho ng mga ministro ay aaprubahan ni Bersani ang batas na nagsasabi, “na ang ipinanganak at lumaki sa Italya ay Italyano”.