in

Florence: Impormasyon buhat sa “Sportello Unico”, matatanggap sa email o Skype

Mula sa Lunes sa tanggapan sa Via Pietrapiana ay matatagpuan ang bagong serbisyo “Help Desk” upang magbigay ng mga impormasyon ukol sa mga dokumentasyon na may kaugnayan sa pananatili sa Italya at isang pagkakataon din para sa isang pagsasama-sama at pagtitipon.

altFlorence – Telepono at e-mail. Kahit chat-room at Skype. Ang “Sportello Unico Comunale Immigrazione” (Suci) ay magiging interactive.

Mula sa Lunes sa tanggapan ng Via Pietrapiana ay magkakaroon ng bagong serbisyo “Help Desk”, batay sa isang plataporma ng isang software na magagamit sa maraming mga paraan (telepono, email, newsgroups, chat / video chat at Skype). Ito ay magbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa kanilang pananatili sa Italya ngunit maituturing din na isang pagkakataon para sa pakikihalubilo o pagtitipon. Ang layunin ng proyekto ay padaliin, sa pamamagitan ng pagtitipid ng panahon at oras, ang pagsasalubong ng panahong kinakailangan sa pagproseso sa panahon ng pagsasama-sama at pagtitipon.

Salamat sa “Help Desk”, sa katunayan, ang mga mamamayan ay maaaring makatanggap ng impormasyon sa pamamagitan ng telepono, mail form, tulong sa pagfill up sa mga form sa pamamagitan ng Skype, mga appointment para sa mga serbisyong ibinibigay ng Suci. Sa mga kasong may hihiling, ay maaari ring dumalo sa mga maikling lectures ng e-learning o maaaring gayahin ang test ng Italian language (kinakailangan ng sinumang hihiling ng EU long term residence permit o carta di soggiorno. Lahat ng impormasyon na ibinibigay ng serbisyo ay matatanggap mula sa mga institutional na web site at partikular sa: www.comune.fi.it at www.immigrazione.regione.toscana.it at samakatuwid ay garantisadong updated ang mga ito.

Ito samakatuwid ay isang proyekto ng I-Government (I para sa salitang Innovation) batay sa isang pinagsamang sistema ng mga serbisyo on line para sa mga mamamayan na nagnanais ng mga impormasyon o tulong ukol sa mga pamamaraan ng pagpasok at pananatili sa bansa (halimbawa, pag-renew ng permit to stay, registration, certification ng tirahan, mga request ng family reunification, direct hiring, atbp.).

Ang proyekto, ay binuo ng Munisipalidad kasama ang Cat-(Cooperativa sociale Onlus), isang non-profit organization, na lumahok sa isang public competition sa pagsasagawa ng mga proyekto na popondohan ng European Fund para sa integrasyon ng mga mamamayan buhat sa Third World countries . Ito ay pumasa, tinanggap at pinondohan ng € 112,549, kung saan ang kontribusyon  ng EU ay 84,412, ang kontribusyong nasyunal ay 14,017 at 14,119 kontribusyon buhat sa partners nito sa pamamagitan ng mga tauhan at materyales.

”Ang mga benefit ng I-government  ay kumakatawan sa isa pang pagkakataon para sa mga migrante upang mapabilang sa lipunan – ayon sa assessor sa kalusugan na si Stefania Saccardi-. Dahil dito, bilang mga administrador, ay aming inilahad ang proyektong ito na nakatanggap naman ng pondo upang magkaroon ng mga kagamitan sa bagong serbisyong ito. Ako ay kumbinsido na ang mga bagong teknolohiya ay mayroong isang mahalagang papel upang mapagaan at mapabuti ang relasyon sa pagitan ng mamamayan at mga tanggapan. Ang “Help desk “ay matatagpuan sa Suci, sa via Pietrapiana 53.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AMBASSADOR VIRGILIO A. REYES, JR. AND MADAME JOIN CELEBRATION OF THE 4TH ANNIVERSARY OF THE HONORARY CONSULATE IN FLORENCE

Paumanhin at compensation muna bago ang military honors sa labi ni Marcos