in

Paumanhin at compensation muna bago ang military honors sa labi ni Marcos

Nagpaalthiwatig kahapon ang Malacañang na kailangan munang humingi ng paumanhin at magbigay ng compensation ang Marcos family  sa mga biktima ng Martial Law bago posibleng ikonsidera ang pagkakaloob ng national government ng state funeral/military honors sa labi ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Lacierda, “There’s no reconciliation yet eh. Like I said, apology, compensation, you know, we have to… The Marcoses should come up with an acknowledgment of the wrongs that were done under the Martial Law years and that has not been done.”

“Kung aaminin nila ang kanilang kasalanan, hihingi ng paumanhin at babayaran ang mga biktima ng human rights violations baka magbago pa ang isip ng mga tao at malay mo, mapatawad sila at pumayag din sila na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani”, ang mga binitawang salita naman ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño.

Ka­walan din ng public apology at compensation ang ginawang basehan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kung bakit hindi siya pumayag na pagkalooban ng military honors ang labi ng yumaong dating lider.

Mula sa Senado, tahasang sinabi ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bukas ang kanilang pamilya sa pakikipagnegosasyon sa pamahalaang Aquino kaugnay ng hinihinging state funeral para sa yumaong ama. Samantala, hiniling naman ni Cagayan de Oro Archbi­shop Antonio Ledesma na respetuhin ng lahat ang desisyon ng Pangulo na tanggihan ang state burial para sa namayapang diktador.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Florence: Impormasyon buhat sa “Sportello Unico”, matatanggap sa email o Skype

ADVISES ON PROCEDURES OF DONATIONS FOR TYPHOON VICTIMS