Ito ay maaaring italaga sa mga nakapasa sa entrance exam ngunit upang makapasok sa unibersidad, hindi ito sapat upang makasigurado na makakasama sa final list. Ang listahan ay matatagpuan online at ang submission ng mga application ay hanggang Oktubre 18 na lamang.
Rome – Huling mga araw para sa mga magmimithing makapag-aral.
Hindi lahat ng mga mag-aaral na dumating sa bansa noong katapusan ng Agosto ay makakapasok sa unibersidad tulad ng kanilang mga pangarap. Bukod sa mga hindi pumasa sa entrance exam, marami pa rng kahit pasado ay hindi nakapasok sa final list. Maaari silang makipagsapalaran kung magpapalit ng kurso o susubuking pumasok ng ibang unibersidad ng parehong kurso.
Sa bawat kurso ay may nakalaang sapat na bilang para sa mga mag-aaral na nagmula sa non-EU countries at kung sa ilang mga kaso, ang mga aplikante ay lumampas sa itinalagang bilang, sa iba namang unibersidad ay mayroong pang nalalabing bilang. Ang ministry ay tinipon ang listahan ng mga unibersidad na may nakalaan pang bilang sa isang database na maaaring kunsultahin online at maaaring alamin sa pamamagitan ng kurso, unibersidad, o keyword.
Sa mga naghahangad na mag-aaral, maaari pang pumili ng bagong destinasyon, ngunit dapat magmadali: ang mga application ay dapat na isinumite hanggang Martes, Oktubre 18.