in

“Padre pops” ang ikatlong pari ng PIME na pinatay sa Mindanao.

altIsang italyanong pari ang binaril sa kanyang sasakyan sa bayan ng Arakan, Mindanao bandang alas 9 ng umaga. Ito ay ayon kay Agrimero Cruz, ang spokesman ng pulisya sa nasabing lugar at sinabing ang pari ay nalagutan ng hininga sa ospital kung saan ito sinugod matapos ang krimen.

Si Padre Fausto Tentorio ay nasa Pilipinas magmula pa noong1978 at naglilingkod bilang misyunaryo sa Kidapawan mula pa noong 1980. “Padre pops”, ang karaniwang tawag sa kanya.

Tatlong bala ng baril ang tumama sa pari habang sumasakay sa kanyang sasakyan  patungong Kidapawan City. Ayon sa mga report, dalawang lalaki ang marahil na bumaril dito.

Si Tentorio ay ang ikatlong misyonaryo ng PIME (Pontificio Istituto Missioni Esteri) ang pinatay sa Mindanao at ang ikalawa sa diocese ng Kidapawan.

“Hindi namin maipaliwanag ang mga pangyayari. Si Padre Tentorio ay mahal ng kanyang mga parokyano at marahil masyadong mahal sya na nakagambala sa ibang tao”, mga pangungusap ni Padre Giulio Mariani, isa ring misyonero ng Pime. “Sa ngayon ay wala pa kaming impormasyon.

Ang tanging alam namin ay katatapos lamang ng misa ni Padre Tentorio, pasakay ng kanyang sasakyan ng makarinig ng putok ng barila ng mga tao. Madaling lumabas ng simbahan ang taong bayan at nakita nila ang isang lalaking naka helmet na nagmamadaling sumakay sa kanyang motor”.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apat na medalya inuwi ng mga Pinoy sa Sci-Olimpiad sa Italya

OFW remittances hit US$1.7 Billion in August