Ito ay sinasaad sa isang artikulo ng draft ng Dekreto sa Pag-unlad (Decreto Sviluppo) at baguhin ang Batasng Migrasyon (Testo Unico). Maaring gawing lehitimo ang pananatili ng mga mayroong resibo ng renewal (cedolino).
Rome–Ang sinumang may resibo ng request ng first issuance o renewal ng permit to stay, lalong kilala bilang cedolino ay ituturing na regular na migrante.
Ito ay ipinaliwanag na noong 2006 sa isangdirektibang ex-Interior Minister Giuliano Amato, ngunit maaaring ipagtibayna sa Batas ng Migrasyon (Testo Unico). Ito ay isang paraan upang alisin ang lahat ng pagdududa sa ilang tanggapang publiko,pati na rin sa mga employer sa pagpapakita ng”cedolino” ng mga dayuhan, na kadalasan ay hindi alam kung paano ito tatanggapin.
Ang bagong nilalaman ng draft ng Batasa sa Pag-unlad (Decreto legge sullo sviluppo) na kasalukuyang inihahanda ng pamahalaan ay nagsasaad na “ang manggagawang dayuhan na kasalukuyang naghihintay ng releasing ng permit to stay ay maaaring lehitimong manatili sa Italya at makapag hanapbuhay”. Ito ay “hanggang sa abisuhan ng awtoridad at ipaalam sa employer ang pagkakaroon ng anumang hadlang sa pagkakaloob ng permit to stay sa dayuhan”.
Ang sinumang nag request na ng first issuance ng permit to stay sa pagpirma ng kilalang “contratto di soggiorno” o nagsumite na ng aplikasyon ngrenewal sa loob ng animnapungaraw matapos ang validity ng dokumento ay maaaring makatanggap ng benepisyong ito.Ngunit ito ay mapapatunayan lamang sa oras na iprisinta ang “cedolino” na may petsa.
Ngunit darft pa lamang ang tumutukoy dito na maaaring malawa, maglaho o mabago ng tuluyan. Upang mapatunay ang lahat ng ito, dapat hintayin ang pagwawakas nito sa paglulunsad ng pinakahihintay na Decreto Sviluppo.