in

Ano ang mga panganib sa pagkakaroon ng isang Filipinang walang permit to stay?

Ako ay isang employer at isang taon nang nagta-trabaho sa akin ang isang Filipina bilang care giver ngunit walang permit to stay. Anu-ano ang mga panginib na aking haharapin?

altRome – Ang batas sa Italya ay hayagang nagbibigay ng parusang penal o administrative action, sa mga employer na tumatanggap sa mga manggagawang dayuhan na walang permit to stay.

Ayon sa artikulo 22, talata 12 ng batas 286/98 (Immigration Law) ay nagsasaad, sa katunayan, na: “Ang mga employer na tumatanggap sa mga manggagawang dayuhan na walang permit to stay sa ilalim ng Artikulo, o ang permit to stay ay pasò na at wala nang bisa at hindi nag request ng renewal ayon sa mga tuntunin ng batas,at ang renewal na binawi o kinansela, ay dapat na parusahan ng pagkabilanggo mula tatlong buwan hanggang isang taon at multa ng 5000 € para sa bawat manggagawa. “

Sa mga parusang ibinibigay ng batas sa migrasyon, ay dapat idagdag din ang mga administratibong parusa sa paglabag sa mga pasahod at obligasyong panlipunan sa seguridad, alinsunod sa Artikulo 2126 ng Civil Code, na nagbibigay ng karapatan sa manggagawa upang mabayaran ito sa trabahong ginawa, kahit na walang regular na hiring.

Kung sa kaso ng mga pagsusuri o inspeksyon ng mga awtoridad ay matutuklasang ang trabahador na dayuhan ay iligal o clandestine, ang employer ay mapapatawan ng isang krimeng penal.

Pagkatapos ay ihahain ang isang kasong penal at maaari itong matapos, kung mapapatunayan o mayroong ebidensiya na responsibilidad ng employer, ay mapaparusahan ng magmula tatlong buwan hanggang isang taong pagkakabilanggo. Gayunpaman, kung ang akusado ay walang criminal record ay maaaring mapagaan o ma-suspend ang sentensya ng may mga kundisyon.

Sa katunayan ay hindi ito ang punto, malinaw na mayroong kaparusahan ayon sa batas ngunit totoong mahirap mapatunayan ang mga ganitong uri ng krimen, kung domestic job ang pag-uusapan, dahil ito ay nagaganap sa loob ng tahanan. Tiyak na ang dayuhang manggagawang di-regular o walang permit to stay ay hindi kaylanman maghahabla laban sa kanyang employer dahil sa panganib na mapa-deport ito mula sa Italya at sa katunayan, ito ang resulta ng isang limitadong mga convictions o sentensya kumpara sa bilang ng mga domestic workers.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FEDERFIL-ITALY inilunsad!

Tawanan blues….