Kinumpirma ng National Geographic Channel noong Miyerkules na si Lolong, ang buwayang nahuli sa Agusan Marsh noong Sept. 3, ay ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo.
Ayon sa Australian expert na si Dr. Adam Britton na pinangunahan ang pagmimisura sa tila dinosaur na si Lolong, ay napatunayang 21 feet and 1 inch ang laki ng nasabing buwaya. Ayon pa kay Britton, dapat itong ipaalam sa Guinness World Records.
Patuloy na pumupukaw ng atensyon si Lolong, sa katunayan ay kumita na ng kalahating milyon, mula sa mga donasyon, entrance fee at parking fees sa Bunawan Eco-Park and Research Center.
“Karaniwang umaabot sa 8,000 pesos bawat araw ang perang pinapasok ni Lolong”, ayon sa town mayor na si Edwin Elorde.
Kung sakaling mapapabilang si Lolong sa Guinness, ito ay maaaring ibalik sa Agusan Marsh upang makatulong sa turismo ng bayan.