in

Mga katanungan? Sagot mula sa Linea Amica Immigrazione

Impormasyon at karagdagang tulong para sa mga dayuhan sa Italya at sa kanilang mga employers. Sa telepono 803.001 o 06828881 at sa website.

altRoma – Ang mga migrante ay kabilang sa mga tumatangkilik sa public administration, at dahil sa burukrasya na pwersahang nagtatapon sa kanila sa iba’t ibang tanggapan mula sa unang araw ng pagdating sa Italya: sa paghingi ng permit to stay, pag-aaplay sa serbisyong pangkalusugan, conversion ng driver’s license at iba pang mga pangangailangang malahaga sa kanilang pamumuhay at integrasyon sa bansa.

Ano ang nangyari sa aking request para sa regularisasyon?”, “Paano mag renew ng permit to stay?”, “Kailan pwedeng mag-apply ng citizenship?”, “Paano ko papupuntahin sa Italya ang aking pamilya?”. Para sa mga kasagutan, narito ang Linea Amica Immigrazione, ang call center, para sa mga dayuhang mamamayan sa Italya at mga Italyano ukol sa migrasyon at sa public administration.

Mula sa landline, maaaring tawagan ng libre ang numero 803.001, i-dial ang numero 3 (mula sa mga mobile phone naman 06828881, ang bayad ay tulad ng isang lokal na tawag). Ang serbisyo ay libre, may limang iba’t ibang wika (Ingles, Pranses, Espanyol, Russian at Chinese) at bukas mula Lunes hanggang Biyernes 9.00-18.00. Sa ibang oras at tuwing Sabado at Linggo, ay maaaring mag-iwan ng voice message para sa isang return call. Maaari ring i-fill up ang isang form sa website www.lineaamica.gov.it sa seksyong “chiedo assistenza”.

Bawat operator ay dumaan sa pagsasanay ukol sa mga tema ng migrasyon, ngunit maaaring ang mga tanong at sagot ay kumplikado. Sapat na ang isang tawag upang malaman halimbawa, kung saan hinihingi ang fiscal code o codice fiscale, paano ang renewal ng iba’t ibang uri ng permit to stay ngunit upang malaman kung bakit taon nang hindi lumalabas ang aplikasyon, ang Linea  Amica ay maaaring makipag-ugnayan sa mga tanggapan na sumasaklaw dito at alamin ang dahilan ng mahabang paghihintay.

Ang serbisyo ay nahahati ng dalawang bahagi: karaniwang sumasagot agad, ngunit kung kinakailangan ang mga pagsusuri sa public administration, ang Linae Amica Immigrazione ay inaalam ang problema at ipinaa-abot sa mas nakakataas upang tugunan ang katanungan na karaniwan ay sa loob lamang ng ilang araw.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lolong pinakamalaking buwaya, kinumpirma ng NatGeo

President Aquino to push for migrant workers’ rights in ASEAN Summit