in

Labing-anim na taong pagkakabilanggo para kay Winston

altRome – Iginawad ngayong araw na ito ng hukom na si Massimo Di Lauro ang sentensya ng 16 na taong pagkakabilanggo sa Filipinong si Manuel Winston Reyes sa salang pagpatay kay Alberica Filo della Torre noong Hulyo 1991 sa Olgiata.

Ayon sa report, ang desisyon ng hukom na hindi igawad ang salang pagnanakaw ay dahil diumano sa nakalipas na ang mahabang panahon matapos ang krimen.  Matatandaang hiniling sa korte ng pm na si Francesca Loy ang habangbuhay na pagkakabilanggo ni Winston.

Matapos basahin ang sentensya, ay walang reaksyong iniwan ni Reyes ang korte ng naka posas. Maging ang pamilya ng biktima ay hindi naglabas ng anumang pahayag. Sa unang pagkakataon ay dumalo ang mga anak ng Kondesa sa korte.

 “Sa wakas ay sarado na ang kaso. Kami ay natutuwa kahit pa nabigla sa babaw ng sentensya”, mga pangungusap ni Giuseppe Marazzita, ang abugado ni Mattei, ang asawa ng Kondesa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The Provisional New 7 Wonders of Nature

Paano at saan ihahayag ang mga colf at care givers na naka live-in sa questionnaire ng Istat?