“Ang yaman ay umaakit sa mga tao. Ang paglago ay sanhi ng populasyon. Kailangang pagyamanin ang human resources, na syang punto sa kinabukasan ng bansa.” Ito ang ulat ng Research Department ng Professional association.
Rome – Ang Italya ay nilalaro ang kinabukasan sa migrasyon, dahil ang pagsulong at ang pamahalaan ang mga bagong darating mula sa ibang bansa ay nangangahulugan na paglago.
Ito ang sinulat ng research department ng Confcommercio sa report ”Italy, South, and Mediterranean: economic facts“, sa pangangalaga ni Mariano Bella at Luciano Mauro.
“Ang mga bansang mayayaman – ayon sa mga mananaliksik – ay palaging umaakit sa migrasyon, sa katunayan ay maaaring makita ang isang positibong relasyon sa pagitan ng yaman at dynamics ng populasyon na binabayaran ng migrasyon ang anumang mga natitirang negatibong yaman nito.” Ang demograpya ng timog Mediteranyo, ay nagpapahiwatig na “maaaring maging mali na isipin na ang pagdagsa ng migrasyon mula sa mga bansang ito ay tapos na.”
“Ang mga bansa na nais bigyang halaga ang human resources – ayon sa Confcommercio – ay dapat maghanda ngayon ng maingat na politika ng migrasyon, ayon sa maayos na scheme ng mga insentibo. Para sa Italya, na mayroong mababang birth rate, ay isang punto na dapat tingnan para sa hinaharap. Sa timog, na dumadanas ng paglabas ng migrasyon, ay isang solusyon sa pagitan ng pag-unlad o marginalization.
“Lalo na upang matamasa ang mga pakinabang ng susunod na migrasyon, ay may mga malalakas na kakumpitensiya. Tila medyo malinaw – ayon sa ulat – ang ugnayan sa pagitan ng lumalagong populasyong, kahit na sa pamamagitan ng migrasyon, at paglago sa ekonomiya”. Ang dating mga bansa ng Sobiyet, ay “malinaw na nakikita ang isang malakas na paglago sa pagkakaroon ng mabagal na dinamika ng populasyon”, at “ang mga makakaikit sa migrasyon sa hinaharap”.
“Demograpya at Paglago – pagtatapos ng research department – ay isang isyung pang-matagalan. Ang yaman ay umaakit ng mga tao. Ang paglago ay sanhi ng populasyon. Ang ating bansa ay tila malayo sa circuit na ito, o mas tumpak, tila hindi ginagamit bilang kasangkapan sa pag-unlad ng migrasyon at ng mga natives. Ito ay isang pinsala na nangangailangan ng mahalagang susog. “