in

Citizenship. Turco: “May majority sa Parliament upang pagsamahin ang mga dati at bagong Italians”

“Kalimutan ang mga tatak ng partidong kinabibilangan, para sa moderate jus soli ay maaaring magkaroon ng pagkakasundo. Gawin natin ito para sa ikabubuti ng ating bansa, sa okasyon ng ika-150 Italian Unification”. Isang panayam.

altRome – “Mga partido, kalimutan ang inyong tatak at magsalubong tayo sa isang reporma ng citizenship para sa ikalawang henerasyon. Posible na lawakan ang pang-unawa sa jus soli, isang pagkilos para sa sambayanan at magandang hangarin para sa kinabukasan ng ating bansa, na maghahatid ng karagdagang lakas at higit na pagkakaisa ng mga dati at bagong mga Italians.”

Kumbinsido si Livia Turco, presidente ng Democratic Party Forum Immigration. “Ang pagbagsak ng gobyerno ni Berlusconi – sa isang panayam sa Stranieriinitalia.it – ​​ay mas mababa ang pwersa ng Lega Nord, isang partido na hadlang sa mga migrante maging sa reporma ng citizenship, tulad ng kanilang mga pahayag sa mga araw na ito. Noong una ay mayroong gobyerno na hinadlangan ang pagkakaroon ng sapat na numero sa Parliament na aayon sa mga pagbabago.

At ngayon?

“Sa ngayon ay mayroong isang pamahalaan na binubuo ng mga taong angkop at may sapat na kakayahan at nais magbukas sa mga migrante, isang pamahalaan na nais makipag-ugnayan sa Parliament”.

Ngunit bakit ang gobyerno at ang Parliyamento na dapat higit na pamahalaan ang krisis sa ekonomiya ay hinaharap rin ang tema ng citizenship ng mga migrante?

“Ang paksang ito ay hinarap ilang raw na ang nakaraan sa pananalita ng Democratic Party leader na si Dario Franceschini, at muling ipinagpatuloy ni Pierluigi Bersani tulad ng naramdaman ng mga Italians. Kami sa Democratic Party ay nais namin itong harapin sa panahon ng krisis dahil hinaharap ng bansa ang krisis di lamang sa ekonomiya kundi pati ang panlipunang krisis, kinakailangang magkaisa upang magkaroon ng makataong pagkilos.

Samakatuwid ay mayroong symbolic value?

Ang pag-usapan ngayon ang citizenship ng mga kabataang migrante, ay nangangahulugan ng pagbabago ng mga baluktot at hindi makataong batas na para sa akin ay mahalagang harapin sa ngayon ng bagong gobyerno ang kanilang pagiging makatarungan at pantay-pantay na pagtingin sa harap ng batas, may sapat na kakayanan at mayroong makataong pamamaraan.
 

Ang mga panukala para sa isang reporma ay marami, ang parehong mga luma at bago, ay nasa Parliyamento na, maging pati sa kalye na rin, kung saan ay nagongolekta ng mga lagda para sa reporma. Paano maaaring magkaroon ng pagkakaisa?

Naniniwala ako na maaaring magka-intindihan sa isang moderate jus soli. Para sa amin ay dapat isang Italyano ang sinumang ipinanganak sa Italya na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng ugat at maaaring maging batayan ang limang taong paninirahan ng regular sa bansa o maging ang mga minors na dumating sa bansa habang bata pa lamang at naka-kumpleto ng isang cycle ng pag-aaral sa bansa. Magsasalubong kami dito, magtutuon sa ikabubuti at isasangtabi ang tatak ng bawat partido, ang sa gayon ay maaaring mabago ang kasalukuyang batas.

Saan sa tingin ninyo maaaring umasa? Ang Lega Nord ay siguradong hindi susuporta at ano ang maaaring asahan mula sa Popolo della Libertà?

Inaasahan ko ang pakikibahagi, sa tingin ko ay maaaring bumuo ng isang mas malawak na majority. Ang kilalanin ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya ay isang Italyano, ang baguhin ang malupit na batas ay nag-iisang kaso sa Europa, ito ay nangangahulugan na gawing mas matatag ang Italya gayun ang ang pagkakaisa ng bansa. Mahalagang gawin ang mga ito sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng pagkakaisa ng bansa. Ito ay hindi maaaring ipagdiwang na tinitingnan lamang natin ang ating pinagmulan kundi dapat ring tingnan ang kinabukasan ng bansa, ang ating bagong lakas at bagong potensyal. Ang Unity ng Italya sa kasalukuyang panahon ay walang iba kundi ang pagsasama-sama ng mga luma at mga bagong Italians.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SAY NO TO VIOLENCE

Employer, nireport matapos makipag-away sa dalawang colf na Pinoy