Sa pagitan ng taong 2010 at 2011, ay nadagdagan lamang ng 70,000 ang popolasyon ng mga migrante. “Sa pagganap ng trabaho ang mga dayuhang migrante sa Italya ay mas mahusay kaysa sa mga Italyano.” Ang buod at mga talahanayan.
Rome – Ayon sa ikalabimpitong Pambansang Ulat sa Migration 2011 ng ISMU Foundation, na inilabas ngayon sa Milan, ang presensya ng mga dayuhan sa Italya mula Enero 1, 2011 ay higit sa 70,000 kumpara noong 1 Enero 2010. Ito ay nangangahulugan ng makabuluhang pagbaba ng growth rate, na bumaba ng 86% kumpara sa naitala noong nakaraang taon (“Enero 1, 2010, noong naitala ang unang mga senyales ng pagbaba, gayunpaman, mayroong pa rin 500,000 higit kumpara noong Enero 1, 2009 “).
Ang pagbagal ng mga bagong entry, ayon sa mga mananaliksik ay naaayon sa krisis ng ekonomiya na tumama sa Italya at sa Europa, ay nagtanggal samakatwid ng init ng phenomenon: mula Enero 1, 2011 ang populasyon ng mga dayuhan sa Italya ay tinatantyang umaabot sa 5,400,000 ng ISMU (regular at hindi), kung saan 95% ay nagmumula sa mga bansa na may mataas na antas ng migrasyon (Pfpm – Paesi a Forte Pressione Migratoria). Ang pinakamalaking nasyonalidad ay ang Romanian na may 1,111,000 sa kasalukuyan, na sinusundan ng Moroccan at Albanian (na may 575,000 at 568,000).
Kahanay din dito ang mas higit na pagpapatala ng mga dayuhan: sa katotohanan ang mga nakarehistro sa Registry ay nadagdagan mula sa 4,235,000 sa 4,570,00 (higit ng 335,000). Nabawasan ang mga hindi regular sa 443,000; mas mababa ng 11,000 kaysa sa 454,000 noong 1 January 2010.
Ang Ismu ay naniniwala na “kung trabaho ang pag-uusapan, ang performance ng mga dayuhang manggagawa ay mas mahusay kaysa sa mga Italians. Sa katunayan, habang ang laborforce ng mga migrante ay tumaas sa 276,000 (higit ng 14%), ang laborforce ng mga Italians ay bumaba sa 160,000. Tumaas din ang bilang ng mga mag-aaral na ipinanganak sa Italya: sa taong 2011/2011 ay kumakatawan sa 42.1% ng 711,064 na mag-aaral na walang Italian citizenship, para sa kabuuang bilang na 299,565 “.