Walang katapusang mga susog upang tanggalin ang family reunification, karagdagang buwis para sa aplikasyon ng citizenship, renewal ng permit to stay at sa mga employer, patalsikin ang mga nawalan ng trabaho. At bilang pagtatapos sa kalkulasyon ng ISEE, ay isasama rin ang mga ari-arian sa sariling bansa, na sertipikado ng mga awtoridad ng sariling bansa.
Rome – “Ang Lega Nord sa komite ng Budget at Finance ay maghahatid ng isang constructive opposition na naglalayong mapabuti ang teksto ng mga panukala (manovra)”, ito ang ipinahayag kagabi ni Alessandro Montagnoli, representante ng Lega Nord at miyembro ng Finance Committee.
Ganito ang nilalaman ng kanilang mga susog, malinaw na ang Lega Nord ay hindi nais buoin bagkus ay sirain ang mga migrante. Ang layunin ay malinaw upang hindi na hangarin ang magtungo pa ng Italya, ipagkait ang karapatan ng family reunification at himukin ang karamihan na lisanin ang bansa dahil ang sinumang mananatili ay pipisilin hanggang buto.
Si Massimo Bitonci, halimbawa, ay nagnanais na obligahan ang mga negosyanteng dayuhan na magbukas ng VAT at magbigay ng bank guarantee ng 3000 € bilang pabor sa Internal Revenue Service (Agenzia delle Entrate). Ang susog ay nagsasaad ng pagtatanggal lamang nito sakaling magsasara ang negosyo, matapos bayaran ang mga buwis at kontribusyon.
Ito ang pakete ng mga susog anti-migrant ng Lega Nord na iisa lamang ang punto ng mga panukala, hayagang tumutol sa mga migrante. At ang Artikulo 40 na naglilinaw na ang sinumang naghihintay ng releasing o renewal ng permit to stay ay isang dayuhang regular at tila hawak ang orihinal na dokumento.
Si Pierguido Vanalli ay di nag-atubili sa panukala sa balitang ito. Si Claudio D’Amico ay hinihiling na palitan ito at ang pawalang-bisa ang mga Artikulo 28, 29 at 29 bis ng Batas sa Imigrasyon, ukol sa family reunification: sa katunayan, ay nagtatanggal ng karapatan na makapiling sa Italya ang mga asawa at mga anak, na walang kinalaman ang kakayahang pinansyal upang suportahan ang mga ito (na ngayon ay hinihingi ng batas).
Si D’Amico pa rin ang nagmungkahing punuin ng pera ang kaban ng bayan mula sa mga migrante. Paano ilalarawan ang iba’t ibang mga susog na nais na itaas sa halagang 200 hanggang 500 euros ang kontribusyon sa aplikasyon ng citizenship at ang mungkahi ng 1000 € (1000 €!) para sa releasing at renewal ng mga permit to stay?
Si Alessandro Montagnoli naman sa halip ay sa mga employer itinuon ang pansin at nagmungkahi ng pagbibigay ng kontribusyon sa munisipyo ng 5 % ng labor costs, na ilalaan diumano sa mga pagbibigay tulong o layuning welfare. Si Roberto Simonetti naman bilang pabigat sa mga nawalan ng trabaho, ay nagmungkahing gawing tatlong buwan sa halip na anim na buwan ang pananatili sa Italya ng ma gito.
Tila wala namang dapat ipag-alala, dahil wala sa mga panukalang ito ang naaprubahan. Ang komite ng Budget at Finance ay inayunan lamang ang susog ng Lega Nord na nakatuon sa pagkalkula ng ISEE, o ang kalkulasyon ng sitwasyong pinansyal ng pamilya, na kailangan para magkaroon ng mahahalagang social services, public services at pagbabayad ng buwis .
Nagsasaad na ibibilang rin maging ang mga ari-arian sa ibang bansa, tulad ng bahay, na may malaking pabigat sa bureaucracy sa mga migrante: ang mga ari-arian ay dapat ding sertipikado ng mga awtoridad ng sariling bansa. Ang walang sertipiko ay hindi makakatanggap ng mga benepisyo ng ISEE. “Kaya upang magkaroon ng mga benepisyo sa welfare – ayon kay Montagnoli – ay ang ating mga kababayan na nangangailangan at hindi ang mga migranteng mayroong ari-arian at kayamanan sa labas ng ating bansa.”