in

Buwis sa mga bahay sa sariling bansa, malapit na!

Ito ay nasasaad  sa mga pagbabagong sinang-ayunan ng gobyerno at maaapektuhan nito ang lahat ng mga mayroong  ari-arian sa ibang bansa, kabilang ang mga migrante. Katumbas ang 0.76% ng kabuuang halaga, gayunpaman, ay maaaring ibawas dito ang anumang binayarang buwis sa sariling bansa.

altRome – Kabilang sa mga pagbabago ng mga panukala sa ekonomiya na sinang-ayunan kahapon ng komite ng budget at finance at ng gobyerno, ay maaaring maging hindi kasiya-siya para sa mga migrante na mayroong bahay na na-ipundar sa sariling bansa sa pamamagitan ng mga kinita sa Italya. Sa mga bahay na ito ay magpapataw ng isang bagong buwis.

Ito ay tatawaging “buwis ng property na matatagpuan sa ibang bansa” (impostasul valore degli immobili situati all’estero), na maaapektuhan ang lahat ng may-ari ng mga ito na residente sa Italya, kahit ano pa man ang gamit ng naturang property,  ito ay katumbas ng 0,76% ng kabuuang halaga. Paano makakalkula ito? Sasangguniin ang halaga sa deed of sale nito o kung hindi man nakasaad dito ay sasangguniin ang “market value” nito sa lugar kung saan ang ari-arian ay matatagpuan.

“Ngunit ako ay nagbabayad na ng buwis sa bahay na iyon”, ang tutol ng nakakarami, dahil sa buwis na ibinabayad sa ibang bansa. Isang pampalubag-loob, ito ay ang karapatan sa isang diskuwento sa bagong buwis na sisingilin katumbas ng -pagpapaliwanag sa manovra- “sa kaukulang buwis sa mga property na ibinayad sa gobyerno kung saan matatagpuan ang property”.

Paano malalaman ng Internel Revenue (Agenzia dell’Entrate) kung sino ang may ari-arian sa sariling bansa? Sa pamamagitan ng income tax return kung saan nararapat na ihayag ang mga ari-arian, kahit ano pa man ang gamit ng naturang property. Ngunit nananatiling mahirap maunawaan kung ang tax inspector ng Italya ay may sapat na mga kasangkapan upang matuklasan ang mga ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW from Rome, Italy Receives the 2011 Bagong Bayani Award for Community and Social Service

Mga Senegalese binaril sa Firenze