Dalawang Africans patay, tatlo ang sugatan. Patay din ang killer, isang aktibong taga-sunod ng extreme right, sa isang barilan.
Rome – Dalawang Senegalese ang patay, tatlong sugatan at ang killer ay nagpakamatay. Ito ang matinding mga kaganapan sa Florence kung saan nakita ang galit at poot sa ibang lahi.
Halos 12.30 ng tanghali sa plaza Dalmatia kahapon, si Gianluca Casseri ay tumigil sa harap ng isang newspapaer stand, sakay ng kanyang grey na Polo (Volkswagen) at pumasok sa palengke. Diretsong nagtungo sa tatlong tinderong Senegalese at nagpapaputok ng apat na beses. Dalawa ang namatay, at ang pangtalo ay nasa kritikal na kondisyon at itinakbo sa ospital ng Careggi.
Ang salarin pagkatapos ay sumakay sa kanyang sasakyan at nagmamadaling tumakas. Dalawang oras ang makalipas ay lumantad muli ang salarin sa Central Market, malapit sa plasa Duomo. Dito ay nagpaputok muli sa harapan dalawang iba pang mga tinderong Senegalese, sugatan din ang mga ito.
Dumating ang mga pulis at nagpaputok rin. Dito ang salarin ay namatay ngunit hindi pa malinaw kung ito ay nabaril ba o nagpakamatay. Ayon sa mga unang report, si Casseri ay miyembro ng extreme right, malapit sa Casa Pound sa Pistoia.
Halos 250 ang mga Senegalese ang nag-organisa ng demonstration sa mga lansangan ng Florence, mula sa plasa Dalmatia at papunta sa Sentro ng lungsod. Nagkaroon ng mga agresyon – ang mga motor na naka-parada ay hinagis at pinagsisipa. Nagsisigaw ng ‘Italy Racist’ o ‘Damned Italians’. Naging sanhi rin ng trapiko.
Nagpahayag ng kalungkutan, pagkabigla at pagkabalisa ang Immigration Officer ng Democratic Party na si Livia Turco sa mga naging pangyayari sa Firenze. “Kung ang pumatay ay sa dahilan ng galit sa ibang lahi, isang malawakang aksyon ng demokrasya at sibila ng kinakailangan upang tuluyang tapusin ang ganitong uri ng pananaw”.
“Kailangan maingat na paglaanan ng pansin – dagdag pa ni Turco – ang panganib na hatid ng krisis ay nagiging sanhi ng ‘away’ sa pagitan ng mga Italians na namumuhay sa isang mahirap na sitwasyon at ang mga migrante, ang pagiging mga dayuhan nila, na malaki ang nagagawa para sa Italya, ang laging sinasangkalan.”