in

Scholarship hindi sapat para sa lahat, isinantabi mga dayuhang mag-aaral

ER-GO, ang Regional Agency para sa karapatan sa pag-aaral sa Emilia Romagna, apektado sa pagbabahagi ng mga pondo ay mga dayuhang freshmen lamang. Protesta ng mga asosasyon ng unibersidad: “Ito ay isang diskriminasyon”

altRome – Ang problema: walang sapat na pera upang bayaran ang mga scholarship ng lahat ng mga kabataang karapat-dapat. Ang solusyon: iwang walang laman ang bulsa ng mga banyagang mag-aaral. Bilang pagsasaalang-alang ng mga deans at industriya, paghahangad ng mas mataas na internationalization ng ating mga unibersidad.

Ito ay nangyayari sa Emilia Romagna, kung saan ang ER. Go, ang ‘Regional Agency para sa karapatan sa mas mataas na Edukasyon, kamakailan ay naglathala ng mga listahan ng mga scholarship sa unibersidad. Ang mga ito ay itinalaga ayon sa kita para sa mga mag-aaral ng unang taon samantala ang nakatala sa mga susunod na taon ay ayon din sa kapasidad..

“Sa academic year 2011/2012 – nasaad sa isang pahayag ng kumpanya – ang mga karapat-dapat sa scholarship ay tinatayang 17,505 mag-aaral Ang ER.GO ay nagbahagi ng scholarship sa halos 16,822 mag-aaral, na kumakatawan sa 96.1% ng mga kandidato, na may kabuuang investment sa Regional level ng higit sa sa 64 million €. ” Ang problema, gayunpaman, ay kung sino ay hindi makakasama sa scholarship.

“Ang Scholarship – sa katunayan, pagpapaliwanag ng ER-Go – ay ipinagkakaloob sa mga Italyano at mga banyagang mag-aaral na nakatala sa lahat ng kurso, sa mga Italian freshmen at mga mag-aaral mula sa EU countries ng lahat ng mga kurso, pati na rin sa mga banyagang freshmen na nagmumula sa mga non-EU countries tulad ng nasasaad sa announcement ng University of Emilia-Romagna ” na kumakatawan sa 40ng mga mag-aaral mula sa non-EU countries.

Sa katunayan, ang announcement ay sumasaklaw rin sa isang minimum quota ng mga Italyano at mga mag-aaral mula EU countries, ngunit ang mga ito ay nadaig sa pagbibigay ng mga scholarship. Kung ang resulta ng mga karapat-dapat na mag-aaral ay hindi magkakaroon ng kahit na isang euro, ang halos pitong daang lalaki at mga babae, ay nagbuhat sa mga bansang hindi nabibilang sa European Union.

“Ito ay hindi makatarungan, para sa batas ang mga mag-aaral ay pantay pantay lahat, nang hindi tinitingnan ang nasyonalidad” ayon kay Gjondendaj Saimiri, isang miyembro ng union ng mga mag-aaral na Albanian sa Bologna, na sinisiguradong ganito ang pananaw hindi lamang ng asosasyon ng mga mag-aaral mula sa non-EUcountries, kundi pati na rin ang mga Union ng University ng mga mag-aaral ng Italyano. Lahat ay nagkakaisa at sinusubukang baguhin ang pag-iisip ng Er.go.

“Ang pinakamahusay na solusyon ay ang dagdagan ang pondo na magagamit upang masiguro ang scholarship ng lahat. Ngunit kung hindi ito posible- ayon kay Gjondendaj – ang ranking ay dapat na iisa lamang, Italyano, mula EU countries at mula sa non-Eu countries, na magkukumpitensya ng pantay pantayayon sa kita . Hindi maaaring matanggap ang ganitong uri ng deskriminasyon”

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Security Law, binawasan muli ng Consulta

Sendong, patuloy ang pagdami ng mga biktima