in

Pagbisita ni Ministro Riccardi, hindi ikinatutuwa ng Lega Nord

Hindi ikinatutuwa at tinatangihan ng Lega Nord ang kanyang pagbisita sa bansa dahil sa kanyang pagtulong sa mga migrante.

altRome – “Ang pagiging isang Ministro ni Riccardi ay hindi ikinatuwa ng alinmang tanggapan ng Lega Nord, partikular ang tanggapan sa San Salvario kung saan taon ng tinatalakay at sinusubaybayan ang mga problema ng mga mamamayan, kahit walang kooperasyon sa administrasyon at sa munisipyo na tila nakalimutan na ang lugar na ito”.

Ganito ang naging reaksyon ni Hon. Stefano Allasia, representante ng Lega Nord sa Turin, ng bisitahin ng Ministro para sa Integrasyon at Pandaigdig na Pakikipagtulungan ang Turin.

“Ang Ministro – pagtatapos ni Allasia- na walang nakakikilala, ay maaari ng bumalik sa Rome sa halip na magdala ng kanyang solidarity sa buong bansa na gastos naming mga mamamayan, dahil dito sa amin ay hindi sya katanggap tangap.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Binatilyo, kinutya at binugbog dahil isang dayuhan

Remittance sa buwan ng Oktober pinakamataas sa taong 2011