“Kailangang bigyan ng priority ang mga Italians na maaaring mawalan ng trabaho sa halip na magpapasok muli ng mga manggagawa mula sa ibang bansang hindi kabilang sa EU”
Milan – “Umaasa ako na para sa taong 2012 ay hindi papayagan ang pagpasok ng mga manggagawang dayuhan sa ating bansa hanggang ang kasalukuyang krisis ay hindi natatapos”.
Kinumpirma ng dating Interior Minister na si Roberto Maroni ang kanyang posisyon, sa isang conference ukol sa immigration sa Milan.
Ayon kay Maroni “sa kasamaang-palad ay mas maraming mawawalan ng trabaho kaya kailangang bigyan ng priority ang mga Italians na maaaring mawalan ng trabaho sa halip na magpapasok ng mga manggagawa mula sa ibang bansang hindi kabilang ng EU. Para kay Maroni, ang muling pagbubukas ng Italya ay maaaring maghatid ng tinatawag na ‘hirap sa lipunan’ (disagio sociale) na sa mga panahon ngayon ay maaaring mangahulugan ng ‘rebolusyon ng lipunan’.