in

Annak ti Sta. Catalina Filipino Community, nagdiwang ng Christmas Party

Ang Annak ti Sta. Catalina Filipino Community, isang kumunidad ng mga Pilipino sa Roma na matatagpuan sa Parokya ng San Gabriel De Arcangelo sa Via Cortina D’Ampezzo Roma, ay nagdiwang ng kapaskuan noong nakaraang Linggo , ika-18 ng Disyembre 2011.

altAng nasabing Filipino Community ay itinatag noong ika-24 ng Pebrero 2008 at ang bagong Coordinator si Eddie Ragasa, kasama ang mga Vice-Coordinators na sina Lito Racadio at Magie Ragasa ay nangangakong ipagpapatuloy ang magandang simulain ng grupo.

Kabilang sa mga naging panauhing pandangal  si H.E. Ambassador Virgilio Reyes,  ang bagong  Ambassador  ng  Pilipinas sa Italya, kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Marie Luarca-Reyes, si Councillor Giorgio Mori ng XXth Municipality of Roma Capitale, ang ilang mga asosasyon at mga grupo ng mga Filipino sa Roma.  

Ang Annak ti Sta. Catalina Filipino Community ay binubuo ng mga Ilokano na naninirhan sa Roma. Pinamumunuan ni Fr. Felix Bay-ong. Kasalukuyang mayroong 67 mga miyembro na maituturing na malaki ang kontribusyon sa pamumuhay ng mga Filipino hindi lamang sa Roma kundi pati sa Ilocos Sur.

altAng komunidad ay nagpatayo ng isang groto ni Sta. Catalina sa Ilocos Sur noong nakaraang taon. Tumutulong rin ang komunidad sa pangangailangang pinansyal sa pagdaraos ng kapistahan ni Sta. Catalina De Alexandria sa bayan ng Sta. Catalina tuwing ika- 25 ng Nobyembre.

Hindi rin nakakaligtaan ng komunidad ang ibang Centers o Community ng mga Filipino na nangangailangan sa Roma. Bukas palad ang kanilang pagtulong tulad sa Collegio Filippino, sa kanilang kotribusyon sa pagpapasa-ayos ng mga bintana at silid ng mga kapariang Filipino na syang sumusubaybay sa pangangailangang spritutwal sa mga ofws.

At bilang mahalagang tanda ng integrasyon, isang beses sa isang buwan na nakikipagtipon ang komunidad sa parokyang sumasakop dito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA HEPATITIS A, B at C

Second generation (Figli d’Italia). Jus soli igagawad sa lalong madaling panahon