Ako po ay nag-renew ng aking passport sa expiration ng validity nito. Hindi ko po alam na kailangang i-renew ito tatlong buwan bago ito mapaso dahil ePassport na ang iniisyu. Kailangan ko pong umuwi sa Pilipinas, may karamdaman po ang aking ina. Ano po ang dapat kong gawin?
Ayon sa Memorandum Circulars 11-10 at 17-10 at Foreign Service Circular No. 129-08, Foreign Service Posts at Regional Consular Offices, ay maaaring bigyan ng extension ang validity ng mga green passports (MRRP) at MRP sa panahon ng paghihintay ng ePassports na nangangailangan ng dalawa hanggang tatlong buwan bago matanggap ito ng Embahada mula sa Pilipinas.
Gayunpaman, ang extension ng validity ng passports MRRP at MRP ay ipinagkakaloob lamang sa mga pili at maseselang pagkakataon na nangangailangan ng madaliang paglalakbay at immediate issuance nito.
Ang mga kinakailangang dokumento:
• Pinakahuling passport (orihinal at kopya)
• Permesso di Soggiorno, if available (orihinal at kopy)
• Dokumentasyong magpapatunay sa dahilan ng madaliang paglalakbay
Ipinapayo na ugaliing kontrolin ang validity ng lahat ng uri ng mga dokumento.